P2M insentibo bigay ng DILG sa admin ni Mayor Honey dahil sa pagkakamit ng SGLG
Advertisers
PORMAL na natanggap ng lungsod ng Maynila mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang highly-prestigious Seal of Good Local Governance (SGLG), tanda ng kauna-unahan sa kasaysayan ng Maynila na tumanggap ng ganitong uri ng karangalan.
Kasama rin ng nasabing selyo na ipinagkaloob ng DILG kay Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang P2 million check incentive.
Dahil sa nasabing selyo, gumawa ng record si Lacuna sa kasaysayan ng Maynila bilang kauna-unahang mayor na nakatanggap ng pinakamataas na pagkilala mula sa DILG.
Iginawad ng DILG sa Manila city government noong isang buwan, ang SGLG ay sumisimbulo ng dedication and efficiency ng Manila LGU sa ilalim ng pagtitimon ni Lacuna, sa pagtataguyod ng good local governance sa pamamagitan ng transparency integrity and excellent delivery of services sa lahat ng nasasakupan nito.
Sinabi ni Lacuna na natanggap ng lungsod ang karangalan dahil sa pakikipagtulungan at suporta ng mga residente, city officials at mga kawani kung saan ang dedikasyon ay nagbunga upang matamo ng Maynila ang SGLG.
“Hindi natin makakamit ang SGLG nang ako lamang mag-isa. Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng aking kasamahang nagta-trabaho sa pamahalaang-lungsod ng Maynila. Sa sama-samang nating pagsisikap, walang imposible,” saad nito.
Idinagdag pa ni Lacuna na “Para sa inyo ito, mga mahal kong Manilenyo. Makakaasa ang mga taga-Maynila na patuloy kaming maglilingkod nang tapat at totoo at patuloy naming sisinupin ang pondo ng Maynila para sa kanilang kapakinabangan at higit sa lahat, hinding-hindi kami mang-iiwan.”
Ang SGLG ay isang institutionalized, recognition-based program para sa pinakamahusay na pamamahala ng LGUs. Ang mga awardees ay tatanggap ng SGLG marker at SGLG Incentive Fund para pondohan ang local development initiatives para palaganapin pa ang pambansang adhikain at strategic thrusts.
Upang maging isang awardee, LGUs ay dapat na makapasa sa mga itinakdang governance areas, kabilang ang : financial administration and sustainability; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism and public safety. ( ANDI GARCIA)