Advertisers

Advertisers

Vilma at Alden tambalan nangangamoy na

0 33

Advertisers

Ni Jimi Escala

TRENDING muli ang Kapuso aktor at Box office King na si Alden Richards the other day kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang 33rd birthday.

Super duper sa kasipagan ng mga fans ni Alden lalo na ang KathDen na mag-post ng mga kuha ni Alden kasama si Kathryn Bernardo.



Kaya ang tandem ng dalawa na pinatunayan muli sa movie nilang “ Hello Love Again” ang tandem to beat, huh! Kumbaga, kung pagbabasehan sa dami ng mga fans ay ang KathDen pa rin ang gusto ng mga ito na muling pagsamahin sa isang project, huh!
Pero sa ngayon ay wala pa tayong nabalitaan na bagong project para sa dalawa huh!

Pero sa isang umpukan ng mga Vilmanians isa sa gusto nilang makasama sa susunod na project ng Star for all Seasons ay ang Kapuso aktor huh!

Nabanggit na rin kasi minsan ni Ate Vi sa isa sa mga interview namin sa kanya na in passing daw ay inalok siya ni Alden na magsama silang dalawa sa movie, huh!

Willing daw si Alden na maging producer ng naturang movie matuloy lang ang pagsasama nilang dalawa sa pelikula, huh!

Matandaang nagkita sina Ate Vi at Alden sa isang okasyon sa anibersaryo ng Mowelfund at doon inalok ng huli ang una, huh!



Well, sa nasagap namin sa naturang umpukan ng fans ay may plano rin daw ang isang independent producer para sa movie project with Ate Vi and Alden as lead stars, huh!

Samantala, latest na narinig namin na may bagong career na hinaharap daw ngayon si Alden, bukod sa pagpo-produce. Mukhang kakarerin na raw ng Kapuso aktor ang pagdidirek, huh!

Pero isa sa posibleng matuloy ay ang isang serye na pagsasamahan ng KathDen para sa isang TV show na malamang daw co prod ng GMA at ABS-CBN huh!

***

SPEAKING of Ate Vi, happy naman ang Star for all Seasons sa box office returns ng pelikula niyang “ Uninvited” .

Kahit walang nasungkit na awards maliban sa “Best Float” ay patuloy na pinipilahan pa rin ang pelikula, huh!

Hindi pa rin matinag tinag sa number one ang “The Breadwinner Is” at pumangalawa ang “Green Bones” at ang “The Kingdom” at sumunod na ang “Uninvited”, huh!

Sa ganda ng mga reviews sa movie nina Ate Vi, Aga Muhlach at Nadine Lustre kaya hindi pinalampas ng movie goers ang naturang movie ng Mentorque production ni Sir Bryan Dy.

Ang “Uninvited “ pa rin ang most requested movie ng mga kababayan nating nasa ibang bansa, huh!

Kaya kahit showing pa rin dito sa Pilipinas ay mapapanood pa rin internationally ang Uninvited nina Vilma, Nadine, at Aga.

Kasalukuyang pinalalabas na ang trailer ng naturang movie sa UAE, Bahrain, at Qatar at excited na ang mga kababayan nating nasa nabanggit na bansa na panoorin ang “Uninvited “, huh!

Truly nga ang binanggit ni Sir Bryan sa amin na hindi lang sa Pilipinas kundi pagkakaguluhan din an “Uninvited” sa iba’t ibang bansa, huh!

“We’re not only targeting the Philippine audiences but also the international audiences,” sey pa ng mabait na producer na si Sir Bryan.

Nakatakdang mapanood na rin ang “Uninvited” sa USA at Canada simula January 10, 2025; Malta sa Jan 19; Paris, France sa January 26.

Mapapanood din ito sa Thailand, Singapore, Hong Kong at Italy.

Masayang-masaya nga si Bryan na na-dominate rin nila ang pagpapalabas ng Uninvited abroad.

Ang pelikula ay konsepto ng Star for All Seasons na nagsabi kay Bryan na gusto nitong gumawa ng pelikulang nangyari sa loob lamang ng 24 oras.

Nagpasalamat din ang Mentorque producer sa lahat ng tumangkilik sa kanilang pelikula.

“To the audience who embraced our story, thank you for believing in the power of Philippine Cinema.”