Advertisers
PINAGKALOOBAN ng pardon ng United Arab Emirates (UAE) government ang nasa 220 Filipinos na nakakulong sa nasabing bansa.
Ang pardon ay ginawa kasabay ng paggunita sa ika-53rd National Day ng UAE at ang ginawang representasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng kaniyang counterpart.
Tradisyon na rin kasi ng liderato ng UAE na magbigay ng pardon kasunod ng kanilang pagdiriwang sa national day.
Inanunsiyo ng UAE government ang pagbibigay ng pardon sa mga nakakulong na mga Filipino noong December 26, 2024 at dahil sa natatanging pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Resulta rin ito sa naging pulong nina Pangulong Marcos at His Highness Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng United Arab Emirates noong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa kasalukuyan pinoproseso na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang documentary atadministrative requirements para sa pagbabalik bansa ng mga na pardon na Filipino sa UAE.
Ang mga na-pardoned na Pinoy ay nakakulong dahil sa iba’t ibang paglabag.
Noong June 2024 nasa kabuuang 143 Filipinos ang nakulong sa UAE at binigyan ng pardon dahil sa paggunita ng Eid al-Adha.