Advertisers

Advertisers

Retiradong pulis, misis niratrat ng tandem

0 13

Advertisers

PATAY ang isang retiradong pulis habang nakaligtas ang misis nito nang pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Tupi, South Cotabato.

Agad nasawi si Teodorico Bastan, 79 anyos, ng Barangay Datal Bob, T’boli; at masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang kanyang asawa.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Bastan, itinalagang hepe ng mga tanod sa Barangay Simbo, habang angkas ang kanyang asawa nang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril sila Biyernes ng hapon.



Tumakas ang mga salarin nang bumulagta ang biktima.

Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Sinabi ng pulisya na posibleng may kinalaman sa trabaho ni Bastan bilang hepe ng mga tanod ang motibo sa krimen.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">