Advertisers
MAGPAPADALA ang Cebu ng malaking delegation sa 2025 National Age Group Triathlon (NGAT) tournament na nakatakda sa Enero 25 hanggang 26 sa Subic Bay Freeport.
Ang contingent ay pamumunuan ni Andrew Kim Remolino, ang defending men’s elite titlist sa kumpetisyon na inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines.
“It’s gonna be a hard race to start the season since everyone’s really getting ready for it,” Wika ni Remolino sa panayam Linggo.
“The NGAT is the first qualifying race to get a slot for the SEA (Southeast) Games in Thailand, so for now, we are just preparing for the things we could improve before the race day,” Dagdag pa ng 23-year-old na lumaki sa Talisay.
Nakupo nya ang aquathlon silver sa 2023 Cambodia SEA Games.
Ang Thailand SEA Games ay nakatakda sa Disyembre ngayon taon.
Nagwagi si Remolino sa 2014 NGAT, na may Olympic distance na 1.5 kilometer swim,40k bike at 10k run,sa 56 minutes at 56 seconds,tinalo ang kapwa Cebuano Matthew Justine Hermosa na nagrehistro ng personal best 56:57 at Baguio City’s Dayshaun Ramos (57:31).
Babalik rin ngayon taon si Raven Faith Alcoseba, na may tiyempong 1:03:55 upang pagharian ang women’s division laban kay Erika Nicole Burgos ng Tanauan,Batangas (1:05:39) at Kira Ellis (1:06:16).
Hermosa, Burgos, Ellis at Iñaki Emil Lorbes sinako ang mixed team gold medal sa Cambodia SEA Games.