Advertisers
POMUSTE sina Malik Monk at Domantas Sabonis ng double-double para buhatin ang Sacramento Kings sa dominante na 129-99 wagi laban sa Golden State WarriorsLinggo ng gabi sa San Francisco.
Naglaro na wala si De’Aaron Fox, dahil may bruised right glute, dinomina ng Kings kanilang Northern California rival mula sa opening tip. Umiskor si Monk ng 16 points at 10 assists sa first half,habang si Sabonis kumamada ng 18 points,nine rebounds at six assists upnag tulungan ang Sacramento na itatag ang 75-51 lead sa break.
Kahit nagtapos si Stephen Curry ng 26-point performance para sa Golden State, kinontrol ng Kings ang final two quarters para mag improved sa 4-1 sa ilalim ni interim coach Doug Christie, na pumalit kay Mike Brown matapos masibak noong Disyembre 27.
Tinapos ni Sabonis ang laro sa iniskor na 22 points, team-high 13 rebounds at seven assists para sa Sacramento, na nakaharap ang Warriors sa unang pagkakataon simula magwagi sa Western Conference play-sa laro noong Abril.
Monk umiskor ng 26 points,12 assists at four steals para sa Kings.
Kevin Huerter (16), Devin Carter (13), DeMar DeRozan (12), Keegan Murray (11) at Keon Ellis (11) umiskor rin ng double figures para sa Sacramento.
Pinasok ni Sabonis ang 10 sa kanyang 13 shots habang si Monk nagawa ang 9 sa kanyang 14 attempts na ang Kings ay nagtapos 51.7 percent mula sa floor.
Andrew Wiggins nagdagdag ng 18 points,Moses Moody umiskor ng 13 at Draymond Green may 10 para sa Warriors.