Advertisers

Advertisers

2 patay, 1 grabe sa pinagtalunang utang

0 18

Advertisers

PATAY ang dalawa katao at isa ang sugatan nang magtalo sa hindi nabayarang utang noong Bagong Taon sa San Remigio sa Antique.

Nasawi ang magsasakang si Gerald Gallano, 37 anyos; at Jessmar Tomacho, 25, trabahador; habang sugatan ang bayaw ni Tomacho na si Jefferson Pedro, 21, pawang residente ng Barangay General Luna, San Remigio.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Gallano at Jimson Tomacho, 55, ama ni Jessmar, sa pamamagitan ng hand held radio noong Disyembre 31 dahil sa hindi nabayarang utang ni Jimson kay Gallano nang sirain ng baka nito ang taniman ng mais ni Gallano.



Kinabukasan, sinugod ng mag-amang Gerald at Alfredo Gallano ang tahanan ng pamilya Tomacho, at hinanap si Jimson bitbit ang shotgun 7:00 ng umaga.

Nang makarating sa itaas ng bahay ng mga Tomacho ang mag-ama, nakasalubong nila sina Jimson, Jessmar at Jefferson na may bitbit din umanong mga baril.

Dito nagkabarilan ang magkabilang panig at napatay sina Galllano at Jessmar habang nasugatan naman si Pedro.

Inaresto ng San Remigio police station si Jimson para sa imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">