Advertisers
INALMAHAN ng media entities sa rehiyon ng Caraga lalo na sa lungsod ng Butuan ang memorandum circular na pinalabas ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa.
Ito ay dahil ipinatupad na ng Butuan City Police Office ang pagbabawal sa media men na ma-access ang blotter books sa lahat ng kanilang police stations.
Sa isinagawang virtual press conference ng Butuan City Police Office (BCPO) kasama ang ilang matataas na opisyal sa Police Regional Office (PRO) 13, nilinaw ni information officer Major Renel Serrano na ang hakbang ng kanilang PNP Chief ay bilang pagtalima narin sa Republic Act 10173 o mas kilalang Data Privacy Act of 2012 kungsaan ang mga vital information na nasa blotter book ay kailangang hindi ipasilip sa media.
Dahil dito’y inirekomenda ni Major Serrano na ang lahat ng police stations ay kailangang mag-designate ng kanilang information officer na siyang sasagot sa mga tanong ng mga tagapagbalita ukol sa nais nilang malamang mga kaganapan.
Dagdag ni Serrano, naintindihan niya na ang bawat-public affairs programs ng mga radyo at telebisyon ay may kakailanganing impormasyon ukol sa mga malalaking pangyayaring naganap sa loob ng 24-oras rason na kailangang handa rin ang pulisya.(PTF team)