Advertisers

Advertisers

Lalaki arestado sa higit P.5M shabu

0 17

Advertisers

Arestado ang 38-anyos na lalaki nang mahulihan ng mahigit kalahating milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Linggo ng umaga, Enero 5, 2025.

Kinilala ni PCOL Melecio M Buslig, Jr., Acting District Director ng QCPD, ang nadakip na si Cristito Celestino Beni, 38, residente ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkumpiska ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P550,800.00.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Payatas Bagong Silangan sa ilalim ni PLTCOL Rolando Baula sa pakikipagtulungan ng PDEA-NCR 9:00 ng umaga sa loob ng bahay ng suspek sa No. 296 General Canon St., Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.



Narekober mula sa suspek ang 81 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P550,800.00.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa tanggapan ng Quezon City Prosecutor.(Boy Celario)