Advertisers

Advertisers

BGY. CHAIRMAN AT KAGAWAD ITINUMBA!

0 15

Advertisers

PATAY ang isang barangay chairman sa Salibo, Maguindanao del Sur at isang kagawad sa Dumalinao, Zamboanga del Sur sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril noong Biyernes.

Unang napatay hapon ng Biyernes ng mga armadong kalalakihan si Kamram Abubakar, barangay chairman ng Sambulawan, Salibo, isang magulong bayan sa Maguindanao del Sur.

Sa pahayag nitong Sabado ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), pinatay si Abubakar mismo sa loob kanilang bakuran gamit ang mga pistol, at agad tumakas ang mga salarin sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok.



Ayon kay Police Brig. Gen Romeo Juan Macapaz, director ng PRO-BAR, may inisyal na pahayag na sa mga imbestigador ang mga kamag-anak at kakilala ni Abubakar na wala silang alam na kagalit nito at hindi rin siya sangkot sa anumang “rido” o away ng mga angkan na mga Moro.

Ang pagpaslang kay Abubakar ay nasundan ng pagkasawi ni Michael Virallo sa isa pang insidente ng pamamaril sa Sitio Mangga, Barangay Upper Dumalinao sa Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Sa ulat, naglalakad si Virallo, barangay kagawad sa Upper Dumalinao, sa madilim na lugar sa Sitio Mangga nang tambangan ng mga armado, binaril ng 12 beses at iniwang walang buhay.