Advertisers

Advertisers

Sa pagbabalik ni Yorme Isko, uunlad at lilinis uli ang Maynila, tiyak yun!

0 28

Advertisers

SA Mayo 12, 2025 midterm elections ay tiyak na may mawawalis at mag-alsa balutan na nagpa-dugyot sa Maynila.

Opo dear readers, parating na, malapit na ang pagbabalik ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sabik na ang mga Batang Maynila na maupo uli si Yorme sa cityhall.

Maibabalik na muli ang matinong pamamahala sa lungsod na pinabayaan ng kasalukuyang
dugyot na pamamahala sa Manila City Hall.



Ang katotohanan mga masugid nating tagasubaybay, ultimo ang social media ay namumulaklak sa panawagang: Bumalik ka na Yorme Isko, at nasasabik sila na bumangon muli ang Maynila at malinis ang nagkalat na dumi at umaalingasaw na baho ng amoy mula sa mga sangkaterbang tambak na basura na nagkalat sa buong Maynila, na hindi yata nakikita at naaamoy ng mga konsehal ng siyudad, Aling Mayora Lacuna at VM Yul Servo.

Ang gusto ng Manilenyo, mag-empake na sina Mayor Honey Lacuna at si Vice Mayor Yul Servo — na papalitan na ni Chi Aienza sa City Council.

At yung mga kongresista ng siyudad na walang ginawa kungdi ang magpabida at pâputukin ang bulsa sa pera ng bayan, ramdam na ba nyo ang papalapit na evacuation nyo sa Kongreso?
***
Alam nyo ba, ang mga parke, pasyalan na pinaganda noon ay napabayaan na?

Yung Liwasang Bonifacio na nilinis at inayos noon ni Yorme ay amoy ebak na naman at ang panghe sa paligid nito.

Yung dating basurahan sa Baseco, ngayon ay Baseco Baywalk; malinis pa ba ang mga sidewalks sa mga illegal vendors?



Talagang panahon nang muling ibalik ang pamamahalang puno ng tiwala at pag-asa, at ng pagbangon ng ekonomya ng Maynila.

Hindi ito nasasaksihan, hindi ito natitikman ngayon sa nakaraang mga taon na wala si Yorme Isko sa Maynila.

Kaya ang panawagan, ang patuloy na lakas ng sigaw at mga daing na muli, maibalik ang matinong pamamahala sa Maynila na puno ng pagmamahal at kalinga.

Para sa Manilenyo, magaganap uli ang tinatawag na “Golden Years” ng Maynila sa pagbabalik ni Isko sa CityHall.

Malapit na, babalik na si Yorme!
***
Sa ngayon ay nakapokus ang tambalang Yorme Isko at Chi Atienza sa kung paano nila mababago ang Maynila — mula sa kaawa-awang itsura nito ngayon na napag-iwanan na naman ng mga katabing siyudad.

Naging madumi, amoy ebak at mabaho uli kasi ang Maynila kumpara noong 2019-2022 na si Yorme pa ang nakaupong alkalde na, hinangaan ng buong mundo sa taglay nitong ningning at ganda.

Sa tambalang Isko-Chi ay plano nilang ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya ng Maynila na nitong mga nakaraang taon ay laging nasasangkot sa krimeng pangingikil etc. at pag-abuso sa kapangyarihan.

Kay Isko at Chi ay may nakakasa na silang plano at disenyo para muling maibalik ang ganda, ningning at dangal ng Maynila.

O mga Batang Maynila, tara na, dito na tayo sa tambalang Isko-Chi para sa dala-dala nilang pagbabago at pagpapaunlad ng Maynila.
***
Kung may magagandang ginagawa ngayon si Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay atin siyang suportahan… purihin natin ang magaganda, ang masasama, ating kondenahin, ating usigin.

Sa huli ating suriin dear readers, ano ang pinakamamahalagang nagawa at ginagawa ng ating pamahalaan para sa kabutihan ng bansa, at ano ba ang mabubuting bunga at pakinabang sa bayan ng mga proyektong mula sa bulsa ng tax payers/mamamayan?

Kaya kung ang isang programa o proyekto ay tumatama sa kaginhawahaan, sa kapakinabangan ng tao, yun ay dapat nating purihin at suportahan.

Kaya sa mga masugid kong tagasubay, ngayon na ang panahon para wakasan ang mga maruming politika na siyang bunga ng kahirapan ng Pinoy at kung bakit tayo ay napag iwanan ng ibang kalapit nating mga bansa.

Sa huli ay iisa pa rin ang kuwento: korapsiyon, kahirapan, kagutuman, matitinding pagsubok sa buhay.

Tama na ang mga away, laitan, batikusan, etc: Ngayong Bagong Taon ay ibahin natin, gawin nating mabuti, maginhawa at masaya ang kuwento ng bawat pamilyang Pilipino.
***
Pahabol: Panawagan kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil, pwede bang kastiguhin nyo mga bugok nyong pulis, Sir?

E kamakailan kasi Gen. Marbil, isang motorista ang sinita ng isang nagngangalang PO3 Tripon ng PCP-Valenzuela PNP na imbes na maging magalang aba’y sinigawan ito ng “Hoy! Hoy!”

Dati pa na may bilin si PNP chief Gen. Marbil na maging magalang ang pulis sa checkpoint, di po ba?

Hoy, PO3 Tripon, umayos ka, sanabagan!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.