Advertisers
MALUBHANG nasugatan ang 71-anyos na lola nang masabugan ng kuwitis sa mukha habang nanonood ng putukan sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite.
Ayon sa report ng Tanza Police, nakatayo si Juliana Follero sa loob ng kanilang garahe nang may lumipad na kuwitis patungo sa kanyang direksyon 12:10 ng hatinggabi.
Tumama ang may sinding kuwitis sa mukha ng biktima at sumabog.
Bumulagta ang biktima na duguan ang mukha.
Sinugod ang lola sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital kungsaan siya nilapatan ngayon ng lunas.