Advertisers

Advertisers

2 HVI, TIMBOG SA HIGIT P4M DROGA SA CALOOCAN

0 28

Advertisers

ARESTADO ang dalawang drug suspects na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P4 Milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at kush sa ikinasang buy bust buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang mga naarestong suspek na sina alyas “Lester”, 21, ng Sto Tomas Village 7 Ext. Deparo at alyas “Luigi” 27, ng Mentors Village Subdivision.



Ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police, katuwang ang mga tauhan ng Police Sub-Station 10 ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

Kagaad inaresto ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek matapos tanggapin ang P13,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang bloke ng high grade marijuana o kush ala-1:35 ng madaling araw sa Block 2, Lot 20 Mentors Village Subdivision, Brgy. 175 sa naturang lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 36,530 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may katumbas na halagang P4,383,600.00 at 50 gramo ng high grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P75,000.00.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Sec 26 Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office……

Pinapurihan ni NPD Director PCol.Josefino Ligan ang Caloocan PNP sa patuloy na pagsugpo at pagtugis sa mga nasa likod ng illegal activities sa lungsod.(Beth Samson)