Advertisers
Mainit na tinanggap sa Barangay 176- A North Caloocan ang pagdating ni Majority Floor Leader Senator Francis Tolentino upang doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang boodle fight.
Kasalo ng butihing Senador ang mga Barangay Official sa pangunguna ni Kapitan Joel Bacolod at maybahay nito, at mga kawani ng Barangay.
Sa kanyang mensahe, ipinagmalaki nito ang kanyang bagong iniakdang batas na tinawag niyang”LITAW” na ang ibig sabihin ‘Liwanag, Internet, Tubig, Assistance at Welfare’.
Ayon sa kanya , sa panahon ng kalamidad, hindi dapat mabahala at mag- alala ang mga mamamayan dahil sa ilalim ng “LITAW”, bawal maputulan ng ilaw, internet, tubig dahil may assistance na sasagot para lunasan ang problema..
Ayon kay Tol Tolentino, ito ay babalikatin ng Department of Social Welfare and Development na sisimulan ngayong January 2025;.
Matatandaang si Tolentino din ang may akda sa ginawang 4- gives sa pagbabayad ng kuryente noong panahon ng pandemya.
Dalangin at hiling ng Senador sa kanyang kaarawan na bigyan pa siya ng karagdagang talino para madagdagan pa ang isusulong nitong batas pra sa ikauunlad ng bansa.
Nagtapos ang programa sa pagbibigay ng raffle at inumpisahan na ang “Boodle Fight ” na pinagsaluhan ang mainit na kanin, lechon, tilapya, okra at bagoong.(Beth Samson)