Advertisers
PINANGANGALANDAKAN ng CPP-NPA-NDF ang kanilang pagtanggi sa ‘holiday truce’ o’ tigil putukan kapag ganitong kapaskuhan.
Ang sabi naman ng magiting at kagalang-galang nating National Security Adviser, Secretary Eduardo M. Año, ito ay pagpapakita lamang na walang ibang hangarin ang CPP-NPA-NDF kung di ang manggulo at pumatay ng kanilang mga kababayan.
Sa kakaunti na lamang nilang bilang, nagagawa pa ng CPP-NPA-NDF na magyabang at tanggihan pa rin ang pakiusap ng pamahalaan na bigyan puwang ang kapayapaan at katahimikan lalo pa’t ngayon ay kapaskuhan.
“The CPP-NPA-NDF’s declaration that there will be no holiday truce simply reflects their persistent commitment to violence and armed struggle, further isolating themselves from the Filipino people’s aspirations for peace and security.
Nonetheless, this is an empty declaration because the Communist Terrorists have now been reduced to a single weakened guerrilla front, incapable of launching major operations against security forces or recruiting new members,” ang pahayag ni Sec. Año.
Alam ni Sec. Año, na siya ring
Vice Chairman ng NTF-ELCAC, ang kanyang sinasabi. At dahil nga raw sa pagsisikap ng pamahalaan na alagaan ang katahimikan, tuloy-tuloy nang nawiwindang ang bilang ng mga komunistang-terorista sa bansa.
Pumapasok na rin kasi ang kaunlaran sa mga bayan at kanayunan partikular na ang mga maliliit at magihirap na barangay sa bansa, gawa ng NTF-ELCAC.
Ang mga dating lugar na mga ito na pinipeste ng CPP-NPA-NDF ay nakakaranas na ngayon ng kaunting kaginhawahan at sigurado ako, na patuloy itong mabubuhusan ng tulong ng pamahalaan upang umiwas sa pag-suporta sa natitira pang bilang ng CPP-NPA-NDF.
Para kay Secretary Año, sa ganitong paraan, paano pa puporma ang mga komunistang-terorista kahit may mga armas pa ang nagiisa na lamang nila guerilla front.
Ang iba nga sa kanila, ay pumanignna din sa pamahalaan dahil namulat ang kanilang mga mata sa katotohanan na tama ang pamahalaan.
“This dramatic decline is the result of sustained government efforts under the banner of NTF ELCAC and supported by communities to neutralize insurgency and foster inclusive development.
Peace building requires sincerity, and the CPP-NPA-NDF’s actions have consistently demonstrated lack of sincerity and commitment to peace,“ ang paliwanag pa ni Sec Año.