Advertisers
WALA pang katiyakan kung makapaglaro si Eya Laure sa Alas Pilipinas women’s team na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
Hindi kinumpirma ni ni team head coach Jorge Souza De Brito kung kabilang sa komposisyon ng national team si Laure na hindi nakapaglaro sa 8th Premier Volleyball League (PVL) 2024-25 All-Filipino Conference para sa Chery Tiggo.
Gustong umpisahan ni De Brito ang training pero maaari lang magsama-sama ang mga players pagkatapos ng PVL.
Ipapatawag ni De Brito ang mga miyembro ng national women’s volley team ng Philippine National volleyball Federation upang ihanda nito sa panibagong kampanya sa biennial meet SEA Games kung saan inaasam na tuluyang makakuha ng medalya.
Isa si Laure sa sinandalan ng Philippines sa bronze medal finish sa 2024 AVC Challenge Cup na ginanap dito sa bansa noong Mayo.