Advertisers

Advertisers

Mahalin ang wikang Pilipino; at babalik na si Yorme Isko, handa na ba kayo?

0 3,148

Advertisers

2025 na, Yorme ISKOming back, mga Lola at Lolo at mga Batang Maynila, handa na ba kayo?

Malapit na, babalik na si Yorme Isko!

At sa tulong ninyo at tulong ng Diyos, muli niyang ibabalik ang masigla, malinis at mapanatag na pamumuhay sa Lungsod ng Maynila ngayong 2025.



“Together Let’s Make Manila Great Again!”

Isang mapagpala at makabuluhang Bagong Taon sa Lahat!

Manila, God First!
***
Napansin nyo ba dear readers, ang lider na Japanese, Chinese, Korean, kapag po sila ay nag-i-speech, sariling wika ang ginagamit nila, at may kasama silang interpreter.

E, tayo, kahit hirap mag-English, sige pa rin, e, mas madali namang masabi ang gustong sabihin kung Tatagalugin o Bibisayain, at yung mga nakikinig na dayuhan, bahala sila na makinig sa interpreter natin.

Sa Senado, Kongreso o sa mga miting ng mga government agencies, ay nakupo, pataasan ng ihi sa pag-i-English, e kaya namang mag-Visaya o mag-Tagalog (o mag-Taglish).



Kasi, pag daw, nag-English, feeling superior, matalino at sosyal, pogi o charming, ismarte pag Inglesero, hanep, di po ba?

Pansin nyo ba, sa madalas na pagpunta ng ating President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dehins siya nagta-Tagalog sa kanyang speech, he’s spokening dolllar, at pag naipit sa tanong ng mga tanong ng foreign media, bubulalas siya ng “Oh, my God!”

E, pwede namang mag-Tagalog o mag-Taglish o mag-Engalog o mag-Ilocano si PBBM, at bahala nang sagutin sa English ng magaling niyang interpreter ang kanyang kausap.

E, si Chinese President Xi Jinping kahit marunong mag-English, nagma-Mandarin siya at napansin nyo, kahit marunong mag-English ang ibang lider, wikang sarili nila kung sila ay magtalumpati o sumagot sa media.

Proud sila sa kanilang sariling wika, ipinagmamalaki ang kanilang kultura, mataas ang respecto o paggalang nila sa sariling wika nila, at hindi nila ikinahihiya na magsalita sa mother language nila.

Naalaala ko, sabi ni Dr. Jose Rizal na ang di magmahal sa sariling wika, ano po? … katulad sa malansang isda.
***
Thou shall not kill (HUWAG KANG PAPATAY). Ito ang ikaanim sa Sampung (10) Utos na dahilan ng matinding pagtutol ng Simbahan sa Death Penalty at ayon sa doktrina, tanging ang Diyos lamang ang may kapangyarihan bumawi sa hiram na buhay.

Kung totoo ito, bakit hindi kinontra ng Simbahan ang pagbitay sa Garrote noong Pebrero 17, 1872 kina padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa bintang na mga utak ng Cavite mutiny?

Ang Simbahan din ang umusig at nag-udyok na parusahan ng kamatayan sa firing squad ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896.

Bakit hindi kinontra o tinutulan ng Simbahan ang mga pangyayaring ito, sey n’yo?
***
Sabi dati ni retired Chief Justice Reynato Puno, dahil sa unitary presidential system of government ay napakasama ng politika sa Filipinas.

Ito ay kanyang binanggit sa isang constitutional convention noong Sept. 2015 sa Legazpi City sa Albay.

Horrible, disastrous daw ang presidential form of government natin na ang sentro ng kapangyarihan ay nakabukod at naiipon sa kamay ng isang pangulo.

Sabi ni CJ Puno, kaya raw tamang maging pambansang bayani si Dr. Jose Rizal kasi noon pa, nais nito na gawing gobyernong federal ang sistema sa ating bansa, at ito kahit paano, makapagbibigay ng mas matino, mas mahusay na serbisyong bayan sa mamamayang Filipino.

Ang totoo, wala namang perpektong sistema, kasi may katiwalian din sa mga bansang federal at parliamentary ang porma ng gobyerno.

Bakit ayaw ng karamihang mambabatas ang gobyernong federal?

Kasi, mas pabor sa mga tiwaling politiko ang maruming sistema natin sa ngayon na katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno na nabibili, nasusuhulan at nagagawang takutin ng mga mandarambong na politiko.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.