Advertisers

Advertisers

MAYORYA SA MGA KANDIDATO IPINANGANGAMPANYA SI REP. MARCOLETA!

0 2,500

Advertisers

Bagong Taon na mga ka-ARYA at lalong nalalapit na tayo para sa MIDTERM ELECTION 2025 na kapansin-pansin ngayon ang mga naglalakihang CAMPAIGN BILLBOARDS at mga TARPAULINE sa iba’t ibang panig ng ating bansa na nagsasaad ng mga pagsuporta sa SENATORIAL CANDIDATE ni SAGIP PARTY LIST REPRESENTATIVE RODANTE MARCOLETA.

Hindi kataka-takang dudumugin nang pagsuporta ng halos lahat na mga POLITIKONG KANDIDATO dahil si REP. MARCOLETA ay kilalang isang kaanib ng IGLESIA NI CRISTO (INC) na SOLID BLOCK VOTING ang kanilang panuntunan sa tuwing magkakaroon ng halalan sa ating bansa.., na agad ay makikita ang reyalidad sa ipinapakitang pagsuporta ng mga kandidato na makuha nila ang INC VOTES.

Hindi maikakaila sa mga nakaraang SENATE at CONGRESS HEARINGS patungkol sa isyu kay VICE-PRESIDENT SARA DUTERTE na may mga nakadebate at halos humantong pa sa pagpapanuntukan ng mga LAWMAKER dahil sa naging pagtatanggol ni REP. MARCOLETA sa mahiwagang pagkakalustay ng CONFIDENTIAL at INTELLIGENCE FUNDS.., ika nga, kahit nag-iisa si MARCOLETA ay ipinakita nito sa sambayanan ang kaniyang paninindigan sa pagdepensa kay VP SARA DUTERTE.



Sa mga tagpong iyon ay maraming mga POLITICIAN at MAMAMAYAN ang nainis partikular na ang mga ANTI-DUTERTE dahil ang kanilang pananaw ay malaking katiwalian ang naging LEADERSHIP ni VP SARA lalo na sa paghawak ng mga perang bilyon-bilyong pondo mula sa kaban ng bayan.., at ngayon ay halos buong mga kumakandidato ang nagdadagsaan sa pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng mga naglalakihang BILLBOARDS na naroon ang mukha ni MARCOLETA at ng mga POLITICIAN.., na ang mga ito ba ay kaisa sa paninindigan ni MARCOLETA o pakitang simpatiya lang para makuha nila ang INC VOTES?

Mga ka-ARYA..,dapat alalahanin ng mga POLITICIAN na ang DOCTRINE ng INC ay laban sa lahat ng uri ng katiwalian lalo na ang CORRUPTIONS.., at dapat ay matularan ng POLITICIANS ang INC DOCTRINES para ang iiral ay kapakanan ng buong mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang LIVELIHOOD PROGRAM at hindi para sa personal na bulsa ng POLITICIANS.., na kailanga’y matularan ng POLITICIANS sa kung paano lumalaganap at lumalago ang INC lalo na sa pagpapatayo ng kanilang CHURCHES dahil ultimong sentimo ay pinahahalagahan ng kanilang pangasiwaan.., hindi uubra ang kupitan o pangungupit.

Kung ang sistema ng ating gobyerno ay matutularan ang INC ADMINISTRATION ay siguradong pag-unlad ng buong mamamayan ang magiging resulta.., kaso nga lang ay napapalautan ng mga galamay ng SATANAS ang GOVERNMENT ADMINISTRATIONS kaya nagdurusa sa kahirapan ang mga pangkaraniwang mamamayan.

Kaya naman, ang panawagan ng ARYA ay dapat maging sinsero ang mga POLITICIAN sa pagiging maka-DIYOS at maka-TAO kung sila ay hihiling para sa INC VOTES.., at huwag ipairal ang pagiging mga HUWAD upang ang mga susunod na administrasyon o yaong mga mahahalal ay maging produktibo na ang kanilang pagseserbisyo-publiko tulad sa INC ADMINISTRATIONS na lumalaganap hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa buong bansa at patunay niyan ay ang matitibay at naggagandahang istraktura ng kanilang CHURCHES!

***



Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.