Advertisers

Advertisers

6.2 magnitude na lindol tumama sa Sarangani, Davao Occidental – Phivolcs

0 219

Advertisers

NIYANIG ng 6.2 magnitude earthquake ang Sarangani, Davao Occidental nitong Miyerkules ng umaga.
Unang naitala ito sa 6.1 magnitude bandang 7:21 ng umaga pero nagsagawa ng adjustment ang Phivolcs maging sa mapa o lugar kungsaan nangyari ang pagyanig.
Ayon sa paglilinaw ng Phivolcs, ang sentro ng lindol ay nasa 86 kilometro silangan ng Sarangani. May lalim ito na 16 kilometers at tectonic ang origin.
Inaasahan pa ang aftershocks sa mga susunod na oras gayundin ang posibleng pinsala.
Agad namang nilinaw ni Phivolcs Director at DOST Usec. Renato Solidum na walang tsunami warning silang ipinalabas.