Advertisers

Advertisers

MAPAGPALANG BAGONG TAON SA ATIN

0 13

Advertisers

Isang mapag-palang banging taon sa ating lahat sa 2025 na kung saan ay haharapin muli natin ang lahat ng pagsubok na ibibigay ng tadhana.

Nalagpasan natin ang lumipas na taon 2024 at nakayanan nating lahat ang pag-subok, sakripisyo at pasakit na dulot nito.

Hindi naman lahat ay puro na lang hirap dahil maski na papaano ay naging masaya at nag-enjoy din tayo sa ating buhay kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buggy.



Ano man ang nangyari at kung ano man ang naganap, pagpasalamat natin ittong lahat sa Poong Maykapal dahil sa tayo ay nandito at buhay pa.

Marami rin kasing mga tao na ating nakasabay ang nawala na sa mundong ibabaw ang iba nga ay mas bata pa at hindi natin sukat akalain na mas nauna pa.

Ang ilan taon na lumipas ay naging tanda at aral natin na ang lahat ng narito sa mundo ay nakatakda at nakaguhit na sa tadhana, walang forever.

Mantakin niyo mga hirap at pagdurusa nating sinapit lalo na ng panahon ng pandemic, kung tayo ay marupok at mahina ay bibigay tayong talaga.

Biruin niyong naka lock-down tayo halos araw-araw, wala na ring kinakain dahil walang hanapbuhay at tigil lahat ang negosyo, ‘di po ba?



Bukod sa pandemya ay nandyan din ang mga natural calamities na dumating sa ating bansa tulad ng mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan at marami pang iba.

Sa awa ng Diyos ay nandito pa rin tayo na masa-sabing mga pinalad at pinagpala kung kayat ito ay bigyan natin ng halaga.

Maaaring may mahalaga pa tayong misyon sa mundong ibabaw na dapat nating gampanan na siyang dahilan kung bakit tayo ay nandito pa.

Sa yugtong ito ay nais kong batiin ang isa’t isa ng isang mapagpalang Bagong Taon sa pagpasok ng 2025.

Partikular na binabati ko ang aking mga kabaro at mga kasama sa hanapbuhay na hanggang sa ngayon.ay nagtiyatiyaga pa rin at tuloy na lumalaban sa mga pag-subok.

Bina-bati ko rin ang aming Publisher/Editor in chief Mr.J oey Venancio na naging matatag pa rin at matibay sa kabila ng lahat ng kanyang dinanas at pinagdaanan.

Kasama na rin siyempre ang kanyang butihing may-bahay na si Len Venancio ang aking mga editor at lahat ng bumubuo ng Editorial at Advertising department.

Happy New Year din sa ilan mga taong ating naba-tikos sensya na po ganon din sa ating mga pinuri sana ay tuloy niyo lang ang inyong sini-mulan.

Higit sa lahat binabati ko ang lahat ng mga kandidato at politiko na tatakbo sa taong ito dahil malapit na kayong sintensiyahan, harinaway kayo ay maging totoo na at bawasan sana ang inyong mga kasinungalingan happy new year!!

Sa ating mga kababayan at para sa buong bansa… ISANG MAPAGPALANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT… MABUHAY!!!