Advertisers

Advertisers

MAGANDANG SAMAHAN PARA SA SAN MIGUEL

0 238

Advertisers

MARKADO at hindi namin naiwawaglit sa isip ang sinabi ni SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) President/Chief Operating Officer RAMON S. ANG, na ‘SA LAHAT NG TEAM, ITO ANG NAKITA KONG IBA ANG SAMAHAN”, referring to the batch ng BEERMEN na kumopo ng 5 successive championships sa ALL FILIPINO CUP ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION(PBA) na ngayong special 2020 PBA BUBBLE pa lang nasilat at di pumasoksa Finals, dahil na rin minus JUNEMAR FAJARDO, TERRENCE ROMEO at MATTROSSER na all injured. Suwerte pa rin na nahablot naman ng sister team nitong crowd favorite GINEBRA SAN MIGUEL ang kampeonato.

GINEBRA NAMAN SA BAKBAKAN
First ever championship ng GINS sa PHILIPPINE CUP ang 2020 PBA Bubble title. Ito ang 13th victory ng GINS at 23rd title ni Coach TIM CONE as head coach. Malaking parte ng mga nagdaang kampeonato ng SMB at GINS ang Finals MVP na si LA TENORIO, pero first ever niya ito sa ALL FILIPINO CUP. Very memorable kay LA ang laban athindi inasahan na maitatawid niya dahil kagagaling sa laparoscopicappendectomy, operation bago sumalang sa Bubble, bonus pa ang Finals MVP trophy, kaya handog niya raw sa first baby daughter niyang si SOLANA THERESE (swerte sa puro firsts ngayong 2020 amid pandemic).

SMB BALASAHAN ISYU, MAINIT PA RIN
MARAMING nag-iinit na BEERMEN fans dala ng isyung babalasahin ang team at uunahin ang veterans particular ang nasa age late 30’s na kinabibilangan nina former MVP ARWIND SANTOS, ALEXCABAGNOT, CHRIS ROSS, MARCIO LASSITER, MO TAUTUAA, samantalang 32 y/o naman si 6-conference MVP JUNMAR FAJARDO.
May lumulutang na isyu na kukunin si big man, 6’8”Fil-Tongan at former MVP ASI TAULAVA para substitute man lang ng injured na si FAJARDO. Sinisilip siempre na 44 y/o na si ASI kaya paano magiging totoo na tatamaan ang veterans sa balasahan?
Kung si CJ PEREZ ang target kapalit ng 3 veteran players whoever, unfair sa tingin ng sports followers dahil hindi niya kakayanin na ipanalo ang team kung matitinik na veterans ang mawawala.
Nasa jelling at MAGANDANG SAMAHAN nga ba ang sikreto sa panalo ngBEERMEN? Self-explanatory ang silat sa AFC, injured top players, pwedeng magdagdag na lang? May anggulo rin na si champion coach LEOAUSTRIA pa ang sinisilip na may lapse sa coaching style. Naging bukambibig pa naman ni Coach LEO na “Hindi naman talaga ako ganun kagaling, magagaling lang talaga ang players ko”.
Pero kung titingnan ang nangyari sa trade ng GINS na; STANLEYPRINGLE kapalit nina SOL MERCADO, KEVIN FERRER at JERVY CRUZ, baka raw pwede sa SMB. May kaibahan pa rin dahil mas maraming napatunayan ang first stringers ng BEERMEN kumpara sa ipinagpalit kay PRINGLE, idiin pa na si winningest Coach TIM CONE ang may hawak sa manibela ng GINS.
Ang alam namin, GINEBRA ang dating dream team ni ASI, pero dipinakawalan noon ni Coach RYAN GREGORIO sa MERALCO. At his age, bataang galawan at lakas ni ASI, sayang kung hindi sasamantalahin, number lang ang age, iba ang outstanding ability and performance. SEY NYO? HAPPY YULETIDE! HAPPY READING! Happy birthday to co-sportswriter MALOU AQUINO!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">