Advertisers

Advertisers

Duterte babarilin ang magsusumbong ng gawa-gawang korapsyon

0 282

Advertisers

SABI ni Pangulong Rody “Digong” Duterte, babarilin niya ang magsusumbong sa kanya ng gawa-gawa lamang o walang katotohanan tungkol sa korapsyon.

Tingin ko rito ay nagbibiro lang si Digong. Batid natin na notoryos sa pagbibiro ang pangulo.

Pero kung totoo ang sinabi niyang ito, dapat barilin niya na ang bespren niyang beteranong kolumnista na si Ramon Tulfo.



Oo! Mismo si Tulfo ang nagsabi sa kanyang kolum na hinahamon niya si Duterte na barilin siya sa pag-ulat na ilan sa miyembro ng kanyang Gabinete ay korap!

At kung seryoso nga si Digong sa tinuran niyang ito, ibig sabihin naniniwala siya sa ulat sa kanya ng kanyang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner, Greco Belgica, hinggil sa mga napaka-korap na kongresista, mga opisyal sa PhilHealth at DoH, sa DPWH, BIR at Immigration.

Kasi kung ‘di siya naniniwala sa ulat ni Belgica, binaril niya na sana ito.

At siguradong naniniwala rin si Digong sa ulat ng Commission on Audit (CoA) hinggil sa sobra-sobrang allowances at gastos ng ilang gov’t. agencies tulad lang ng tanggapan ng Solicitor General na pinamumunuan ni Jose Calida. Kasi kung gawa-gawa lang ito, ‘di sana’y pinagbabaril na niya ang mga state auditor. Mismo!

***



Ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra coronavirus disease-19 na mandatory na ang pagsusuot ng facemask at face shield paglabas ng tahanan.

Ito’y upang hindi na kumalat pa ang Covid at makawala na ang Pilipinas sa community quarantine na nasa 10 months na ngayon, kungsaan marami pang negosyo ang abnormal ang operasyon.

Kaya sumunod tayo, mga pare’t mare. Kung epektib ang naisip na ito ng IATF, siguro naman in 14 to 20 days ay wala nang Covid positive. Dahil 14 days lang daw para malaman kung nahawaan ka ng virus. Dapat sa pagpasok ng 2021 negative na ang bansa sa China virus na ito.

Kung hanggang sa Enero ay may Covid cases parin ang Pilipinas sa kabila ng pagsusuot ng lahat ng facemask at face shield, ibig sabihin nito ay pinagloloko lang tayo ng IATF! At ang talagang kailangan natin ay vaccine, hindi ang kung anu-anong panangga sa talsik ng laway. Mismo!

***

May nakita akong post sa social media hinggil sa ma-giging lineup ng oposisyon sa 2022 election.

Kung susuriin mong maige ang lineup, talagang masa-sabi nating ito’y Dream Team dahil napakahuhusay ang nasa tiket.

Ito’y kinabibilangan nina: Vice Pres. Leni Robredo para Presidente, at retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio para Bise Presidente.

Para Senadora: reelectionists Leila de Lima, Risa Hontiveros at Abby Binay, magbabalik na sina Bam Aquino at Antonio Trillanes, ex-Congressman Gary Alejano, ex- Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno, ret. Ombudsman Conchita Morales, human rights lawyer Chel Diokno, ex-Cong. Eric Tanada, Samira Gutoc, at Congw. Vilma Santos.

Pag ang tiket na ito ay nahalal lahat, WOW! Maipagpamalaki natin sa buong mundo ang gobierno ng Pilipinas. Wish ko magising na ang ating mga kababayan. Maghalal ng matinong lider sa 2022. Bangon Pilipinas!