Advertisers
AABOT sa P3.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga, Martes ng hapon.
Naaresto sa operasyon sina Crispin San Pedro, 28-anyos; Roldan Escajilla, 23; at Jover Quijano, 28.
Tinatayang nasa 500 gramo ng shabu ang nakuha sa pinagsanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pampanga at ng Tarlac Provincial Police Office sa Barangay San Jose.