Green Bones’ Best Picture… Dennis at Ruru may ‘K’ na Best Actor at Best Supporting Actor sa Gabi ng Parangal ng MMFF50; Vilma, Aga at Nadine, kakaiba ang atake sa ‘Uninvited’
Advertisers
Ni Blessie Cirera
NGAYONG tapos na ang Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakalawa ng gabi, asahan na ang pagtaas ng bilang ng mga gustong makapanuod ng tinanghal na Best Picture na Green Bones ng GMA Pictures at Brightburn Entertainment.
Idagdag pang si Dennis Trillo na bida ng Green Bones ang nagwaging Best Actor habang si Ruru Madrid naman ang Best Supporting Actor sa obrang nilikha ni Direk Zig Dulay.
Napanuod na natin ang nasabing pelikula at masasabi nating deserving kapwa sa nakamit na tropeyo sina Dennis at Ruru dahil napakahusay nila sa mga papel na ibinigay sa kanila lalo na si Dennis na makikita sa mga mata ang marubdob na dinaranas ng kanyang role.
Ang Green Bones ay isang prison drama na ang screenplay ay isinulat ni Ricky Lee at base sa story concept ni JC Rubio.
Habulin n’yo na sa mga paborito n’yong sinehan ang Green Bones nang kayo mismo ang humusga kung bakit ito itinanghal na Best Picture sa MMFF50 Gabi ng Parangal.
***
BOSSING VIC EPEKTIBO SA DRAMA SA THE KINGDOM
Itinanghal namang 2nd Best Picture ang The Kingdom na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto na first time masasaksihan sa pagganap niya sa drama role at si Piolo Pascual. Kagaling pala sa drama ni Bossing, hindi siya nagpakabog kay Papa P kaya tangkilikin ang movie na ito agad-agad.
***
HINDI man nakamit ni Ms. Vilma Santos ang pagiging Best Actress sa Uninvited na pinagwagian ni Judy Ann Santos, no doubt na may K talaga siyang manalo ng pinakamataas na award sa MMFF50 Awards Night sa napakagaling at epektibo niyang pagganap bilang isang ina na naghahanap ng katarungan para sa kanyang dalagang anak na nireyp at pinatay ng isang kakaibang Aga Muhlach na kamumuhian sa sama ng karakter. Wag ding balewalain si Nadine Lustre na napakagaling sa kanyang role bilang anak ni Aga na may pinaghuhugutan din sa galit sa amang si Aga.
Ibang panlasa, ibang atake naman sa Uninvited. Naiibang Vilma, Aga at Nadine ang mapapanuod kaya wag na palampasin ang napakagandang pelikulang ito. Nangyari lang ang istorya sa loob ng isang gabi kaya naka-eexcite na panuorin.
Marami lang ang nagtataka at nagtatanong kung bakit wla s mga nominado sa Gabi ng Parangal sina
Aga at Direk Dan Villegas gayong kapwa hnd matatawaran ang kanilang kontribusyon sa Uninvited.
Well, tanging ang mga jury lang ang makasasagot ng katanungang yan.
***
TOPAKK MAPABIBILIB SA MGA AKSYON NINA ARJO AT JULIA
Aba, dapat lang maging Special Jury Prize ng Gabi ng Parangal ang Topakk ng Nathan Studios at Strawdogs dahil aksyon kung aksyon ang pelikulang ito na dinirek ni Richard Somes at pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.
May puso rin ang pelikula na hindi lang basta nagbabakbakan. Kahuhusay ng lahat kasama pa sina Sid Lucero, Kokoy de Santos, Cholo Barretto, Maureen Mauricio, Paolo Paraiso, Bernard Palanca at iba pa. Hindi ka makatatayo sa iyong kinauupuan at madidikit ka na sa panunood ng Topakk na mula umpisa hanggang wakas ay kapana-panabik.
Ibang Arjo at Julia ang matutunghayan dito, lahat ibinigay na nila at talagang damay-damay na sa Topakk, sugod na sa mga sinehan, ngayon na!