Advertisers
Ni Jimi Escala
HAPPY kami for Sunshine Cruz. At 47 years old ay may dumating pang isang pinagmamalaki siya at hindi itinago sa publiko ang relasyon nila.
Ang negosyanteng si Atong Ang ay 68 years old, kumbaga more than 20 years ang agwat ng edad ni Sunshine kay Atong.
Ito marahil ang ginawang isyu ng ilang detractors ni Sunshine, huh!
Sa totoo lang sa mga nagko comment ng hindi maganda sa video na kumakalat nina Sunshine at Atong na inawitan ng huli ang una ng kantang “Bakit Ngayon Ka Lang” ay naiinggit lang ang mga ito, huh!
Sa inyo nababagay ang mga comment ninyong “cringe,” “yuck,” “ewww,” “asim kilig” .
At her age na makatagpo pa ng isang kagaya ni Atong ay dapat nyo ngang kainggitan ang isang Sunshine Cruz, huh!
Sa totoo lang din naman kung merong nagnenega sa relasyong Atong at Sunshine ay higit na nakararami ang pabor at boto ang mga ito kay Sunshine for Atong and vice versa.
Kahit more than senior ay yummy pa rin naman ang negosyante at he doesn’t look his age, huh!
Kahit na buong ningning na inamin na ni Atong sa publiko ang relasyon nila ay “no comment “pa rin si Sunshine.
At sa mga nagsasabing hindi bagay ang dalawa, well anong gusto nyo para kay Sunshine yung karelasyon na jobless at walang pera at umaasa lang sa kung anuman?
Sa totoo lang din naman walang tinatapakan sina Atong at Sunshine.
Technically Atong is single. Matagal na syang hiwalay. Ganoon din naman si Sunshine di ba?
So dapat maging happy na lang tayo sa dalawa, huh!
***
ANG isyu lang sa ngayon ay hindi pa raw pwedeng pakasalan ni Atong si Sunshine, huh!
Kahit na kasi annulled na ang kasal ni Sunshine kay Cesar Montano ay hindi pa annulled ang kasal ni Atong sa wife niya dahil kahit gusto nila ni Sunshine ang isa’t isa, at gustuhin na nilang magpakasal, huh!
Pero kilala nating maimpluwensiya ang negosyante kayang kaya rin naman nitong gawan ng paraan ang bagay na yan, huh!
Ang nakakatuwa lang ay ang nakarating sa amin na matagal na raw palang pinapantasya ni Atong si Sunshine, huh!
Kaya nga sobrang tuwa raw si Atong nang maging sila na ni Sunshine.
Samantala, may nagsasabing mahilig daw si Atong sa mapuputi kaya ang lahat ng mga naging karelasyon niya ay may makikinis at mapuputi, at kasama na rito yung kauna unahang taga showbiz na nakarelasyon ng mayamang negosyante na kung saan nagkaroon umano ng anak siya na ang sabi ay maaring nasa 30 years old na raw, huh!
Well, huwag na nating hanapin ang naging karelasyong taga showbiz ni Atong dahil matagal nang panahon na wala na ito sa sirkulasyon, huh!