Advertisers

Advertisers

Pokwang ipinagtapat, may apo na sa panganay na anak; Sylvia asang madaragdagan ang sinehan ng ‘Topakk’

0 11

Advertisers

Ni Rommel Placente

NOONG Wednesday, araw ng Pasko ay first day ng pagpapalabas ng lahat ng pelikulang kalahok sa MMFF. Kahit maulan ay dinagsa pa rin ito ng manonood.

Nasa Gateway kami para sa imbitasyon ng pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios at pinagbibidahan nina Cong. Arjo Atayde at Julia Montes.



In fairness, puno at sold out na rin ang mga sinehan kung saan pinalabas ito. Naroon din para mag-ikot ang actress/at producer na si Sylvia Sanchez. Dito ay na interview namin siya at binahagi ang pagkadismaya nung una dahil 36 lamang na sinehan ang nabigay sa kanilang pelikula. Kaya naman hindi na raw sila umasa pa na makakalaban sila sa topgrosser.

Ano nga ba naman daw ang laban nila sa apat na pelikulang may mahigit 100 hanggang 200 cinemas na nakuhang mag-showing sa buong bansa.

Pero imbes na mag-dwell sa sama ng loob si Sylvia ay laban lamang daw dahil naniniwala sila na maganda ang kanilang pelikula.

Narinig naman daw niya sa interview kay MMDA Chairman Atty. Don Artes ang paliwanag na hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsya. Ang sa Metro Manila lamang ang nako-control nila ang hatian ng mga sinehan.

Naiintindihan naman daw ito ni Sylvia na business is business pero sana naman daw, ito man lang filmfest maging pantay-pantay sa isang taon lang. Pero hindi pala ganun ang sistema. Ngayon lamang daw nakita ito ng actress/producer.



Pero pag-uulit niya, umaasa na lamang sila na dahil maganda naman ang kanilang pelikula ay madagdagan pa ang kanilang sinehan.

Bagay na atin namang sinasang-ayunan dahil napanood na rin natin ang pelikulang ito ay masasabi nating dekalidad at papasa sa mga mahihilig sa action film at talaga namang mahuhusay ang mga artistang gumanap lalo na ang mga bidang sina Arjo at Julia.

***

AFTER 4 years ay ngayon lamang ipinagtapat ni Pokwang na may apo na pala siya sa panganay na anak na si Mae Subong. Binahagi niya ito sa interview sa kaniya ni Boy Abunda. Marami ang nagulat sa rebelasyong ito ng komedyana ngayong Kapaskuhan. Lola na raw siya at isa raw yung blessing.

Basta naka-graduate naman daw ang anak at masaya na raw siya at tinupad naman ito ni Mae.