Advertisers
Ni Archie Liao
TALENT ng Mentorque Productions ang up and coming actor na si Ron Angeles.
Meaty rin ang kanyang role sa pelikulang “Uninvited” bilang boyfriend ni Nadine Lustre.
Dati na rin siyang nakasama sa pelikulang “Mallari” na naging kalahok sa MMFF noong nakaraang taon.
Aniya, malaking karangalan daw sa kanya ang makatrabaho ang magagaling at premyadong aktor tulad nina Piolo Pascual, Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.
“Ako naman po, sobra akong nao-overwhelm. Noong una, napapanood ko lang po sila at pinangarap na makatrabaho, ngayon po naka-work ko na sila,” aniya. “It’s a dream come true po siya para sa akin,” dugtong niya.
Sobrang saludo rin daw siya sa mga nasabing aktor na kanyang nakatrabaho.
“Ang dami ko pong natututunan sa kanila. Iyong acting techniques. Pati iyong professionalism nila as actors,” lahad niya.
Hindi rin daw niya nakakalimutan ang naging payo sa kanya ng Star for All Seasons.
“Iyong mahalin po iyong trabaho ko, maging humble at iyong makisama sa lahat from stars to crew,” bulalas niya.
Bukod sa acting, sinasanay din daw siya ng kanilang talent management sa hosting.
” Gusto ko rin pong subukan ang hosting. Iyong management naman po namin, sinasanay kami sa iba’t ibang workshop para mahasa po kami sa ibang field other than acting,” deklara niya.
Ang” Uninvited ” ay opisyal na kalahok sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival.
Mula sa produksyon ng Mentorque Productions ni Bryan Dy at ng Project 8t at sa direksyon ni Dan Villegas mula sa iskrip ni Dodo Dayao, pinagbibidahan ito ng 2023 MMFF Best actress na si Vilma Santos.