Advertisers

Advertisers

MGA SIKAT NA VLOGGER IPINAGTANGGOL ANG AKAP NG PAMAHALAAN!

0 14

Advertisers

IPINAGTANGGOL ng mga sikat na political vlogger ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng pamahalaan dahil kailangan daw ito ng mamamayan lalo na yung mga mga nagta-trabaho na hindi sapat ang kinikita.

Ayon sa vlogger na si Nico David, maganda raw ang AKAP dahil natutulungan nito ang mga nasa laylayan nating mga kababayan at natitiyak pa na hindi nananakaw ang pondo nito.

“Iwas corruption yan kasi alam mo na yung pera dun sa nangangailangan ang punta,” anang vlogger.



“Those who have less in life should have more in law,” dagdag pa ni David kasabay ng paggiit na Ito raw ang ginagawa ng pamahalaan ngayon sa pagpalatupad ng AKAP na siyang nagpapaigting sa social justice ng bansa.

Iginiit naman ng isa pang vlogger na si Models of Manila na ang AKAP ay magandang katuwang ng pamahalaan para sa kanilang pagpapatupad ng mga programa at polisiya para mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“Itong mga ayuda na ito maganda po ito lalo na kung sasabayan mo ng polisiya at mga protekto para mapalago ang mga ekonomiya,” ayon sa vlogger.

Dagdag pa ni Models of Manila, ito raw ang ginagawa at layunin ngayon ng pamahalaan ni Pres. Bongbong Marcos Jr., para maiangat ang buhay ng mga kababayan natin na hindi sapat ang kita.

Sinabi naman ng vlogger na si Silver Voice of the People, na ang AKAP ay napakalaking tulong para pantawid sa mga kabuhayan ng mga kapos ang kita.



“Gaya ngayong kapaskuhan ito po ay para sa mga kababayan natin na minimum wage earner o P20, 000 pababa. Para po sa kanila malaking bagay po yan yung P3,000 hanggang P5,000 ayuda, kung tatapyasan po, kawawa naman,” paliwanag ni Silver Voice of the Philippines.

Pawang nagkakaisa ang mga vlogger na dapat ay hindi tanggalin o bawasan ang pondo ng AKAP dahil anila ay malaking tulong ito sa ating mga mamamayan na kahit papaano ay maiangat ang kanilang kabuhayan. (Cesar Barquilla)