Advertisers
“Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay, sa lungsod ng Pasay doon manirahan”,as the lyrics of the song goes!
Sinong kayang kupal na nilalang ang nasa likod ng muling pagbubukas ng maraming bahay-aliwan diyan sa lungsod ni Mayora Emi-Calixto-Rubiano sa kabila ng umiiral pang pandemya at nasa General Community Quarantine (GCQ) pa ang Metro Manila?
Bukod tanging sa Pasay City lamang malalakas ang loob ng ilang mga taga-city hall na magbigay ng GO SIGNAL sa mga night establishment owners na magresume operations.
Sa may Hobbies of Asia Complex pa lamang sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard ay may ilan ng karaoke bars at nightclubs ang back to usual business na.
Gaya na lamang ng isang ito na nasa tabi halos ng Senate of the Philippines building.
Ang dating business name nito ay TITAN Z, pinalitan nitong buwan ng Oktubre ng KING & QUEEN makaraang ibulgar natin na nagsasagawa ito ng tinatawag na “bubble operation” kung saan, stay in ang mga kababaihang empleyado ng club bilang mga receptionists, GROs at dancers.
Stay in as in hinahatiran na lamang ng pagkain at iba pang essential needs ng operator ng club.
Dahil sa ating expose’ noon na nakarating pa sa tanggapan ni Senator Bato dela Rosa, ininspeksyon ng Pasay City Police partikular na ng PCP 1 ang naturang club at napatunayang may mahigit 18 kababaihan ang naroroon at naka-stay in.
Palusot ng owner ng nasabing establisimiyento, stranded ang mga kababaihang ito dahil sa Covid-19 pandemic at kanila lamang tinutulungan!
The hell of an alibi mother fucker!
“Tell that to the marines”!
Pero sa laki ng gulat natin, binili ng Pasay PNP ang alibi na ito at sa halip hulihin, kinunan lamang ng litrato ang mga kababaihang naaktuhang nasa loob ng nasabing club.
Hindi kinasuhan at hindi rin sinita ang kuwestiyonableng pagsisiksikan ng mga babeng ito sa loob ng establisimiyento na tiyak na salungat sa mga nakatadhanang safety at health protocols ng IATF.
To cut the story short, walang nangyari sa nasabing insidente at kahit isa ay walang pinagpaliwanag sa presinto.
Now comes the reopening of the said establishment with permission kuno sa isang mataas na opisyal ng Pasay City Hall.
Bukas na po ng may ilang araw ‘as in back to normal business activity’ ang club cum putahang ito d’yan mismo sa bisinidad ng Senate of the Philippines building.
Unang tanong, sinong kupaling opisyal ng Pasay ang nagbigay ng ‘green light” sa reopening ng nightclub na ito na wala ng business names.
Second question, bakit tila urong ang bayag ng mga tauhan ni Pasay City Police chief, Colonel Dilag na salakayin at hulihin ang operasyon ng club na ito?
Third question, legal bang masasabi ang “back to business activity” ng club na ito dahil may basbas nga ng kupaling city hall official?
Ano ang ginagawa ng NCRPO ni General Vicente Danao at ng Southern Police District (SPD) na kapwa may hurisdiksyon sa Pasay City?
Nganga na lamang ba at kukuya-kuyakoy na lang ang peg!
As in may hinihintay na lamang biyayang maggagaling sa LANGIT?
Hindi lamang diyan sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard may ganyang “bubble’ operation sa Pasay City.
Isang underground sauna bath din cum kangkangan ang nasa kahabaan naman ng Gil Puyat Avenue malapit lamang sa isang carwash na kahilera ng Padis Point.
Kung yaong mga legitimate establishment na straight at disente ang negosyo ay pinagbabawalan pang magresume operations, bakit ang mga ganitong putahan ay puwede?
Kasi malaki ang LAGAY ganoon ba Mayora Emi-Calixto-Rubiano maam?
Buti sana kung pawang mga taga-labas ng Pasay o non-resident ng lungsod ang mahahawahan ng sakit ay OK lang!
Hindi lamang Covid-19 ang puwedeng magpasalin-salin sa opisyong ito kundi iba pang nakakahawang sakit gaya ng tulo, AIDS,STD at kung anu-ano pa.
Mula umano sa nagsarang Lapu-Lapu Sauna Bath ang karamihan sa mga babaeng ito na naririyan 24/7 sa loob ng isang casa ng isang kabet ng pulis-Pasay.
Mama Sang or “prostitute seller” sa Webters dictionary ang kahulugan nito.
Again , hindi rin po ba ito amoy ni Colonel Dilag?
Ilan pa bang night entertainment businesses sa Pasay City ang may BUBBLE operations?
“Yung bawal na bawal pa pero back to business na uli dahil sa “goodwill money or payola?
More on this sa ating muling pagtalakay!
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com