Advertisers

Advertisers

Bugso at dagsa ng mga tao, ‘di na mapipigilan

0 247

Advertisers

Sa kabila ng banta ng pandemic, tila hindi na yata mapi-pigilan ang dagsa at bugso ng mga tao sa lansangan partikular na sa National Capital Region (NCR).

Iba rin talaga mga Pinoy pag-dating sa namulatan nilang kultura lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Hindi na nila alintana ang kina-kaharap na problema ng bansa na dulot ng covid19 na kasalukuyan pa rin banta sa kanilang kalusugan at buhay.



Halos lahat na yata ng lugar sa Metro Manila ay puno na ng mga tao na pawang abala sa pamamasyal at pamimili ng anumang bagay para sa kanilang mahal sa buhay sa nalalapit na Pasko.

Nagku-kumpulan ang lahat na halos magkapalit-palit na ang mga mukha lalo na sa mga palengke,mall at higit sa lahat ay sa Divisoria sa Maynila na kung saan mura raw ang mga bilihin.

Dito sa Divisoria nagta-tagpo at nagka-kasabay ang mga mamimili na kung saan-saan dako pa ng bansa nagmu-mula.

Hindi na ini-intindi ng mga taong ito ang mga health protocol na pina-patupad ng gobyerno upang maski papaano ay maka-iwas sa banta ng covid19.

Ang mga health protocol na ito partikular na ang social-distancing ay parang bale-wala na sa publiko na lehitimo ng nagiging pasaway at makulit.



Bukod sa social-distancing, may ilan rin tayong kababayan na hindi na rin nagsu-suot ng face mask at face shield dahil sobra daw silang naiinitan at halos hindi na maka-hinga.

Maging ang mga awthoridad pati na ang mga nagpa-patupad ng mga protocol ay wala na rin magawa dahil napaka-hirap nga naman pigilan ang dagsa at dating ng sanda-makmak na tao/

Wala silang ibang magawa kundi ang mag-bigay ng babala at paalalahanan ang publiko hinggil sa banta ng virus sa pamamagitan ng kanilang loud speaker at hawak nilang megaphone.

Aminado na rin sila na mahirap na talaga itong pigilin at sawayin. Didiretso pa rin sigurado ang mga ito kahit harangan mo pa ng kanyon.

Hindi rin daw nila talagang maipa-patupad ang anumang batas hinggil sa mga health protocol dahil saan naman nga nila dadalhin ang mga ito kung sakaling arestuhin o hulihin.

Wala na rin naman daw mga bakanteng lugar tulad ng mga police station na puno na rin ng mga tao. Hindi rin anila pwedeng dalhin ang mga ito sa mga establistamentong pam-publiko na kung saan din sila magku-kumpulan.

Tama na nga naman na sila ay paalalahanan dahil bukod na sila ay matatanda na, may kanya-kanya rin silang mga isip at buhay na dapat nilang pangalagaan.

Malaki daw ang posibilidad na hindi nai-isip ng mga ito na marami pang Paskong darating sa kanilang buhay at huwag sana nilang sayangin ang pagka-kataon.

Sana naman ay hintayin muna nilang matapos ang pandemic o dili kaya ay anta-bayanan nila ang bakunang pang-kontra sa nasabing virus.

Ano man ang nais nating iparating, iba rin talaga ang kulturang kina-gisnan ng mga pinoy lalo na sa pagse-selebra ng kapaskuhan at pag-salubong sa bagong taon.

Kung sa bagay ay karapatan at paniniwala ito ng bawat indibiduwal dangan nga lang ay be careful at ingat-ingat din dahil hindi natin nakikita ang kalaban, buhay niyo iyan he he he