Advertisers

Advertisers

13-anyos naputulan ng daliri sa ‘5-star’; may tinamaan din sa mata

0 13

Advertisers

NAPUTOL ang ilang daliri ng 13-anyos na babae nang masabugan ng paputok na 5-star, Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat nitong Huwebes, napinsala ang kaliwang kamay ng dalagita.

“Itong gitna at palasingsingan, litaw na po ‘yung buto so completion, amputation na lang ang gagawin doon para maisara dahil nakalabas ‘yung buto,” sabi ng nurse ng Philippine Orthopedic Center sa Quezon City.



Ayon sa ina ng biktima, nagulat na lamang ito nang isinugod na sa ospital ang anak niyang nagpaalam lamang na lalabas.

Ayon sa anak, siya mismo ang nagsindi ng paputok subali’t dumikit ito sa kanyang kamay nang ihahagis na niya.

“Nagulat nalang siya suma-bog na sa kamay niya,” paglalahad ng ina. “Sabi po niya na medyo nakainom daw po sila.”

Samantala, isang 12-anyos na bata naman ang nalapnos ang hita at binti dahil sa boga.

Sa Sarangani Province, sapul din ng boga ang mata ng 13-anyos na bata noong bisperas ng Pasko.



Naitala rin ang mga biktima ng paputok na piccolo at boga sa Zamboanga City Medical Center na edad anim at walo. Mayroon din apat na biktima ng boga sa Bicol region na kapwa mga menor-de-edad.

Naiulat ng Department of Health na hanggang nitong Huwebes ng umaga mula December 22, may 69 na ang nabibiktima ng paputok. Mayorya sa bilang na ito nasa edad 19 pababa.