Advertisers

Advertisers

Higit 30 bahay winasak ng buhawi

0 4

Advertisers

Mahigit tatlumpung bahay na gawa sa semi-permanent materials ang winasak ng buhawi sa isang seaside area sa Barangay Milbuk sa Palimbang, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng hapon, December 26, 2024.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga municipal officials sa Palimbang, 35 na mga pamilya ang apektado ng kalamidad, nasira ang mga bahay.

Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng ilang kabahayan habang may natumba naman na mga puno ng kahoy.



Patuloy pa ang assessment sa kabuuang danyos na dulot ng pananalasa ng buhawi.

Nagpaabot na ng inisyal na ayuda ng local government unit ng Palimbang sa mga residente ng Barangay Milbuk na nawalan ng mga tahanan.