Advertisers

Advertisers

Naka-1 LA sa GS nung 25!

0 9

Advertisers

Cardiac game noong Pasko ang labanang LA Lakers kontra GS Warriors.

Down-the-wire finish ang magkaribal sa Western Conference ng NBA.

Umabot kalamangan ng purple and gold sa 9 sa last 2 minutes. Pero mabilis naitabla ng katunggali ang score sa pamamagitan ng mga tres ni Steph Curry. Mabuti nakabawi sina LeBron James dahil nakalusot ng isang drive si Austin Reaves sa huling segundo.



Yung dalawang superstar siyempre nagbida sa laro. Si Curry nakapagtala ng 38 na puntos sa Chase Center sa San Francisco habang naka-31 naman si James noong Christmas Day. Ang tinanghal na best player sa game ay si Reaves.

Bukod sa winning basket ay mayroon din siyang triple double. 26 na markers, 10 rebounds at 10 assists.

Si Anthony Davis bale first 7 minutes lang nasa loob ng court kasi nagka-ankle injury. Si Draymond Green naman naka isang tres lang nguni’t nag-anchor ng depensa ng home team.

Binigyan nila ang mga tagahanga ng magandang regalo. Super exciting ang match. Sulit na sulit ang panonood.

***



Tila ang yaman ng 1-Pacman partylist. Dahil ba si Cong Mikee Romero na may- ari ng Northport sa PBA ang kanilang representante?

Aba congressman din ang tinatakbuhan nila. Isang puwesto lang sila kung magwagi at mapalad na kung makadalawa yan.

Iniendorso sila ni Manny Pacquiao, PBA stars Jayson Castro at Terrence Romeo pati ng mga volleybelle na sina Rachel Ann Daquis at Abby Maraño sa tv commercial. Halos budget na yan ng mga kandidatong senador. Magkano kaya bayad nila sa mga personalidad na nabanggit?

***

Higit na mahigpit ang labanan sa Western Conference kay sa Eastern ng NBA.

Yung mga koponan kasi sa West mas dikit-dikit ang mga kartada. Tabla ang dalawang team na Los Angeles na may 17′-13 para sa ika- 6 at 7 puwesto sa standings. Pero ang 6th spit na Miami sa kabila ay may 14-13 W-L card lamang. Kung ang Lakers nasa East ay bale pang-5 pa sila. Okupado ito ngayon ng 16-12 na Milwaukee.

Ang pinakamaraming panalo sa liga ay ang Cleveland na may 26 na W na at 4 na L pa lang.

Lumayo na sila sa kasunod na Boston na may 22-8. Tapoa 20 W pababa na ang iba.

Sa West naman ay una ang OKC. Layo sila ng 3 game sa mga sumunod. Pantay lang next 2 sa 20 na W.