Advertisers

Advertisers

Babaeng wanted sa carnapping, arestado

0 21

Advertisers

Inaresto ang isang babae na wanted sa kaso ng carnapping habang nakakulong sa Navotas City Police Station nang unang madakip sa drug operation sa naturang lungsod.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, na 5:25 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni Capt. Luis Rufo Jr., hepe ng Navotas Police Intelligence Section ang warrant of arrest laban kay alyas “Rose”, 27, ng Subic Zambales, sa loob ng Custodial Facility Unit ng Navotas CPS sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacin.

Inisyu ang warrant of arrest kontra sa akusado ni Presiding Judge Rixon M Garong ng First Judicial Region, Branch 37, Lingayen, Pangasinan na may petsang October 3, 2024 para sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na P300,000.00.



Kabilang ang suspek sa mga Most Wanted Person sa Lingayen, Pangsinan na nakapiit sa Navotas City Police nang maaresto ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa buy bust operation sa Road 10, Brgy. NBBN ng lungsod 6:16 ng umaga noong December 16, 2024, kasama ang isang Chinese national at nakuhanan ng mahigit dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15.1 milyon.(Beth Samson)