Advertisers

Advertisers

2025 NAT’L BUDGET BAHAGI NG DEV’T AGENDA NG PAMAHALAANG MARCOS

0 8

Advertisers

TINIYAK ng Malacañang na magpapatuloy ang pagsusulong ng Marcos Administration sa mga programa at proyekto para sa kaunlaran ng bansa.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag sa gitna ng inilaang proposed national budget na mahigit ?6 trilyon para sa susunod na taon.

Inaasahan ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 national budget sa darating na Lunes, Disyembre 30.



Ayon sa Palasyo, layunin ng alokasyong ito na hindi lamang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, kundi pati na rin ang matagal nang hangarin ng sambayanan na magkaroon ng gobyernong tunay na naglilingkod.

Sa loob ng dalawang taon ng panunungkulan, nailatag na ng administrasyon ang pundasyon para sa pangmatagalang kaunlaran, na may layuning walang Pilipino ang maiiwan.

Ang mga programang ito ay magiging bahagi ng patuloy na agenda ng pamahalaan at titiyakin ang sapat na pondo mula sa 2025 national budget upang maipatupad ang mga prayoridad na ito.

Binanggit din na ang paglalaan ng badyet ay itinuturing na mahalagang hakbang upang mapanatili ang direksyon ng bansa tungo sa progresibong hinaharap para sa bawat Pilipino. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">