Advertisers

Advertisers

Shocking and daring ang MMFF entry na “Uninvited”

0 24

Advertisers

Ni Jimi Escala

SA 55th bday party ng mayaman at maimpluwensiyang si



Gully Vega portrayed by Aga Muhlach naganap ang lahat.

Pagpasok pa lang ng mansion ay napakahigpit ng security at napaliligiran pa si Aga ng mga mamamatay tao na mga takot sa kanya.

Kasama siyempre ni Gully ang kanyang asawang nagtitiis dahil sa pera, si Mylene Dizon at ang anak na si Nadine Lustre na tanggap ang mga kalokohan ng ama. Maiiksi pero markado ang mga papel ng mga nagsiganap na mga alipores na sina RK Bagatsing, Pocholo Barretto, at Gio Alvarez, huh!

Pero ang Uninvited na si Eva na ginagampanan ni Ate Vi ay nakapasok sa party na walang dalang anumang sandata para sa gagawin niyang paghihiganti kay Gully na gumahasa at pumatay sa anak niyang si Lily, huh!

Habang nagkakasayahan ang lahat, naisagawa ni Ate Vi ang kanyang misyon na paslangin lahat at walang itira sa naging mga naging dahilan sa pagkamatay ng anak, huh!



Start pa lang ng pelikula at hanggang sa matapos ay sobrang nakaka tense ang mga eksena.

Kaya kung maysakit ka sa puso better still uminom muna ng maintenance bago pumasok sa sine. Huh!

Given na pagdating sa aktingan, isang Vilma Santos ang iniidolo ng kapws niya artista pero dito sa “Uninvited “ ay super duper napakagaling ni Ate Vi.

Worthy for another grandslam award. Huh!

Very surprising ang akting ng isang Aga Muhlach sa pelikulang ito, ang galing galing niya. Pati rin si Nadine Lustre, another potential best supporting actress.

Mapapamura ka sa ipinakitang akting ng tatlong bida.

Hindi mo akalaing magagawa ‘yun nina Ate Vi, Aga at Nadine.

Ibang atake at sa ngalan ng paghihiganti, ibang ate Vi ang mapapanood sa “Uninvited“, huh!

Hindi rin naman pahuhuli at talaga namang ang galing ng mga suporta sa pelikula like Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Ron Angeles, RK Bagatsing, Pocholo Barretto, Gio Alvarez at iba pa. Huh!

***

SPEAKING of Metro Manila Film Festival, ganun na lang ang panghihikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pamumuno ni Chairperson at CEO Ms. Lala Sotto- Antonio .

Pinakiusapan niya ang lahat ng pamilyang Pilipino na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) .

Ayon pa sa MTRCB chair na may malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagda­ting sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino

Ayon pa rin sa kanya ay malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.

“Hindi lang isang taunang pista ng pelikulang Pilipino ang MMFF kundi isa rin itong selebrasyon ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang isang lipi,” sabi ni Chair Lala.

Ang pagsuporta natin sa mga lokal na pelikula ay malaking tulong upang mas lumago pa ang industriya ng pelikula sa bansa,” dagdag pa niya.

Paalala pa rin ni Chair Lala ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa res­ponsableng panonood ng mga bata.