Advertisers
BY NOEL ASINAS
KUMAKALAT na ang magagandang reviews para sa The Kingdom, na una nang ipinasilip sa media noong Lunes ng gabi.
Hindi nakapagtatakang maraming na-impress sa pelikula dahil maganda ang pagkagawa dito ni Direk Mike Tuviera. Dadalhin ka niya talaga sa isang fictional na Pilipinas, kung saan pamilyar ang mga lugar pero isa pa rin itong kakaibang mundo bilang Kaharian ng Kalayaan.
Sa simula pa lang, hooked ka na. Kahit na alternate reality ito, makatotohanan pa rin ang mga eksena at mga pangyayari dahil sumasalamin ito sa mga nangyayari sa bansa at maging sa mga pinagdadaanang problema ng isang pamilya. Kahit na hari ang karakter ni Vic Sotto bilang Lakan Makisig, mabigat ang kanyang mga dinadala at malalim ang naging atake niya sa pagganap sa role niyang ito. Napakagaling din ng pagganap ni Piolo Pascual bilang Sulo, binigyan ng intensity at layers ang kanyang karakter. At nang nagharap sila? Matindi at mamamangha ka sa galawan nilang dalawa!
Ang The Kingdom ay isang pelikulang puno ng high drama, unexpected twists, at emotional revelations. Walang patapon na eksena – bawat detalye, bawat linya, kuhang-kuha ang puso at isipan mo.