Advertisers
COTABATO CITY – Patay ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa Sultan Kudarat nang pagbabarilin ng riding in tandem nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Abdul Khader Sultan, DepEd supervisor sa Sultan Kudarat at residente ng Barangay Poblacion.
Sa ulat, naganap ang pamamaril 9:30 ng umga sa bahagi ng national highway sa Barangay Poblacion ng President Quirino town.
Ayon sa report, sakay si Sultan ng kanyang kotse nang dikitan ng riding in tandem at pagbabarilin. Tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima.
Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang pulisya sa krimen.