Advertisers

Advertisers

Kabado sa impeachment

0 38

Advertisers

TILA sobrang kabado ang pamilya Duterte sa mga nakahaing impeachment complaint laban kay Vice President sara Duterte-Carpio.

Oo! Inamin ni VP Sara na ang mga nakahaing impeachment complaint ang kanilang pinag-usapan nang magsalu-salo sila sa Noche Buena.

Sa kasalukuyan, may tatlo nang nakahaing impeachment complaints sa Kamara laban kay VP Sara. Isinampa ito ng mga grupo ng abogado, human rights, kaparian, at mga kilalang personalidad.



Sinasabing may dalawa pang impeachments complaints ang nakatakdang ihain sa pagpasok ng Bagong Taon. Hindi pa sinasabi kung anong mga grupo ang magsasampa.

Ang basehan ng mga reklamo para patalsikin si VP Sara ay ang mga nabunyag sa imbestigasyon ng House Quad Committee hinggil sa maling paggamit sa P612.5 million confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education mula sa huling mga taon ng 2022 hanggang 2023, extrajudicial killings kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, bribery at graft, na ayon sa mga eksperto sa batas ay malinaw at mabibigat ang mga ebidensiys laban sa mga Duterte partikular kina ex-President Digong at VP Sara.

Kapag nagtagumpay ang impeachment laban kay VP Sara, hindi na siya maaring humawak ng anumang posisyon sa gobierno at hindi na siya maaring tumakbo pa sa politika. Araguy!!!

***

Sa panayam ng media sa Davao City noong Miyerkules, Disyembre 25, sinabi ni VP Sara na inalok siya kanyang erpat Digong ng libreng legal services nang sabihin niyang hindi siya tatanggap ng ano mang pinansiyal na tulong para sa kanyang pagharap sa mga impeachment proceedings.



“Sabi niya na since hindi ko tatanggapin yung pera, mag-lawyer siya para sa akin. So sinabi niya… he will be a collaborating counsel for all cases,” ani VP Sara. “He’ll be one of the lawyers for all of the cases, and he is preparing his documents ngayon sa IBP (Integrated Bar of the Philippines).”

Si ex-Pres. Duterte ay nagtapos ng abogasya sa San Beda College of Law noong 1972, at naitalaga siyang fiscal sa Davao City bago naitalagang acting mayor ni late President Cory Aquino pagkaraan ng EDSA People’s Power. Simula noon hindi na binitawan ng Dutertes ang pamumuno sa lungsod, nagpalitan nalang silang mag-aama at ang magkakapatid. May minsang nakasingit sa pagka-mayor, si De Guzman, pero isang termino lang.

Sa kasalukuyan ang alkalde ng Pasay City ay ang puros tattoo na si Sebastian “Baste” Duterte.

Ang matandang Duterte, si ex-President Digong, ay takbo uling mayor sa 2025, ang makakalaban ay ang matagal na nilang kalaban sa politika na Nograles, si Carlo.

Ang anak ni Digong na si Polong ay makakatapat naman ng misis ni Carlo sa pagkakongresista.

Baka dito na magtatapos ang paghahari ng Dutertes sa Davao City.

Subaybayan!

***

Kabado ang mga kaalyado ng Dutertes na mapatalsik si VP Sara.

Sabi ng dating tagapagsalita ni ex-Pres. Duterte na si Sal Panelo, kapag na-impeach si VP Sara, ang patatakbuhin nila sa pagkapangulo sa 2028 ay si Senador Robin Padilla. Hahaha…

Kung si Padilla nga ang ikakasa ng mga Duterte sa 2028, pakakainin lang ito ng alikabok ni Raffy Tulfo o kaya’y ni Erwin Tulfo. Pramis!

Anyway matagal pa ang 2028. Marami pa ang mangyayari.

Happy New Year sa lahat!!!