Advertisers
ISANG progresibo at matiwasay na pamayanan ang marubdob na pagnanais at wish ni Dr.Francis Leo Antonio Marcos PhD. dehum honoris causa para sa sambayanan.
Ang tanyag na pilantropo ng bansa ilang dekada na ang nakaraan at tinaguriang ‘pandemic hero’ noong kahirapan ng sitwasyon sa aspeto ng kalusugan at buhay dahil sa pagtulong sa kapwa noong nananalasa ang covid19 ay desidido at puno ng dedikasyong itutuloy niya ang paglilingkod sa kababayan sa 2025 and beyond, nasa posisyon man o sa labas ng politika.
“ Inanunsiyo ko sa harap ng ating mga ka-adbokasiya at taga- suporta na mas iibayo pa ang ating patuloy na kalinga sa ating mga “kuya at ate”na nasa laylayan ng lipunan na tuloy ang ating humanitarian mission at maglilingkod sa lòob man o labas ng politika dahil para sa akin ay ‘humanity first more than politics.’ Nakapaglilingkod naman tayo kahit wala pa sa poder.Maging noong nakulong ako ay patuloy ang aking pagtulong”, wika ni FLM sa panayam sa pamaskong selebrasyon niya sa ka-Familya FLM.
Gayunpaman ay di ito tinutuldukan ng Doctor of Philosophy at humanitarian and philantrophic champion awardee na si FLM ang kanyang political challenges na desisyong tuloy ang laban para sa plenaryo kung kakatigan ng katotohanan.
Dahil sa clamor ng multi-milyones na bumoto sa kanya noong nakaraang national election na higit pang dumoble sa kasalukuyan dahil sa double time niyang paglilingkod partikular ang medical mission, cash, pabigas, pa-gadgets at iba pang paraang makatulong katuwang ang FFCI ( Filipino Family Club, Inc) Worldwide sa pamumuno ni President EO Batalan na may layunin ding makapaglingkod bilang Pang-Lungsod na bise alcalde ng Las Piñas at Semi di Speranza Foundation, Inc. sa pamumuno ni advocator Chilitita Cabatingan mula Cebu City.
Ayon pa sa numero uno at Tiktok champ na si FLM, optimistiko siyang mananaig ang màtuwid sa kanyang krusada para sa masa.
Ngayong Kapaskuhan ay may mensahe ang pamosong nagpauso ng màyaman challlenge para sa buong Sankakristiyanismo na: “This Christmas,let’s continue to build a legacy that inspires generation to come.Leave footprints of kindness,compassion and courage.The greatest inheritance we can leave ia world better than we found it.Let’s make our mark!
Legacy is not what we leave for people,but. what we leave in people that impact their hearts,inspire minds…Merry Christmas Po!” pahayag n# future legislator ng Republika ng Pilipinas.
Lowcut:Laking tuwa ng ating mga kabataang kabalwarte diyan sa La Paz ,Tarlac.Magdaraos ang Uppercut ng SPORTS FESTIVAL( basketball,volleyball,
chess,billiards at fun run sa Enero ng bagong taong 2025 na tatagurian nating Comillas Sportsfest FLM CUP 2025..ABANGAN!!!