Advertisers
Ni Archie Liao
ViIRAL isang video kung saan um-attend sa kasal sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.
Kung di kami nagkakamali, kuha ang clip sa kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan.
Of course, nandoon si Miles bilang suporta sa kanyang fellow Dabarkads sa Eat Bulaga na si Jose.
Ang tanging konek marahil ni Elijah ay dahil may espesyal na relasyon siya kay Miles kaya seen siya sa nasabing event.
What is interesting about the clip ay ang eksena kung saan huli silang nagtutukaan.
Dahil dito, may kibitzers na nagsasabing nagkabalikan na ang dalawa.
Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay inamin ng dalawa ang kanilang breakup.
Gayunpaman, nanatili raw naman silang malapit na magkaibigan.
Sa isang panayam, sinabi rin ni Miles na okey naman sila ni Elijah bagama’t mas bet nilang maging pribado ang kanilang personal na buhay.
Ito naman ang sey ng kibitzers.
“Happy to see them back in each other’s arms.”
“So, nagkabalikan na sila?”
“The video won’t lie. Sila pa rin.”
“Wala na silang puwedeng idenay dahil may resibo.”
“Kakakilig naman ang tukaan.”
“Feeling ko, sila ang susunod na ikakasal.”
“Prerogative nila kung low profile lang ang kanilang lovelife.”
“I think, meant to be sila for each other.”
“Caught in the act.”
***
Lion King, rated G at angkop para sa lahat ng manonood; ibang pelikula, nakatanggap ng angkop na klasipikasyon bago mag Pasko
IHANDA na ang popcorn dahil swak sa pamilyang Pilipino ang epikong paglalakbay ng hari ng kagubatan na si “Mufasa: The Lion King,” ng Disney, na rated G ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ibig sabihin, pwede ito para sa lahat ng manonood.
Ang kwento ng katapangan at pagmamahal ni Mufasa ay maaari ring mapanood sa mas mataas na kalidad ng palabas tulad ng IMAX at 4DX.
Isa pang pampamilyang palabas ay ang “Love Live! Nijigasaki High School Idol Club,” na rated G din. Ito’y tungkol sa pagkakaibigan, sariling paglago, at mga eksena tungkol sa pagtatanghal sa paaralan.
Ayon sa MTRCB, tiyak na magugustuhan ng pamilyang Pilipino at ng mga bata ang mga pelikulang ito dahil sa istorya at kapupulutang aral pampamilya.
Para sa mga naghahanap ng aksyon, sakto ang “Werewolves” na rated R-13 o para sa mga edad 13 at pataas.
Paalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakatatanda na ang mga angkop na klasipikasyon ng bawat pelikula ay kanilang mga gabay para matiyak na akma sa batang manonood ang pelikulang panonoorin.
Pinapayuhan niya ang mga magulang at guardians na gabayan ang mga kasamang bata sa panonood at tulungan silang maintindihan ang mensahe ng pelikula habang tinuturuan silang maging responsableng manonood.