Advertisers

Advertisers

Magpinsang Sunshine at Geneva, kapwa nasa 40’s na pero naihabol ang lovelife

0 11

Advertisers

Ni Rommel Gonzalez

LUMA-LOVELIFE na naman ang magpinsang Sunshine at Geneva Cruz. At their late 40’s, nahabol pa ang pagkakaroon nila ng bagong karelasyon.

Una nang inamin ni Atong Ang sa Bilyonaryo TV ang relasyon nila ni Sunshine. Ngayon naman ay kinumpirma ni Geneva ang bagong boyfriend na si Dean Roxas na



Southeast Asian Games jiu-jitsu national athlete at gold medalist.

Ayon sa singer actress ay hindi raw niya hinanap si Dean, kusa lang daw itong dumating sa kanyang buhay sa panahong hindi niya inaasahan.

Grateful daw siya ngayung taon dahil nakatanggap siya ng special gift na hindi na inaasahan at yun ay ang bagong pag-ibig .

Apat na taon daw naging sarado ang nanyang puso at ngayon na lamang nagbukas sa pagdating ng atletang nobyo. Kaibahan nga raw ng Pasko niya ngayon ay mas inspired siya.

Kahit naman lumalovelife, hands on mom pa rin naman si Geneva sa dalawang anak nito na sina Heaven, 27 at London, 9.



Anak ni Geneva si Heaven sa dating Introvoys guitarist na si Paco Arespacochaga habang si London ay anak naman niya sa ex-partner niyang Filipino-Australian na si Lee Paulsen.

***

FULL support ang pamilya ni Vic Sotto sa ginanap na celebrity screening ng pelikulang The Kingdom, na pinagbibidahan nila ni Piolo Pascual.

Present ang mga anak ni bossing Vic kasama si Mayor Vico. Naroon din ang dating Senador na si Tito at pamilya nito. Biro nga ng direktor na si Mike Tuviera ay parang naging block screening ng Sotto family.

Samantala, ikinasurpresa pa rin ng mga manonood ang kakaibang Vic na napanood nila sa The Kingdom na pelikula.Yun naman daw ang konsepto na inihain sa TV host comedian, ang maging iba bilang si Lakan Makisig.

Pinag-isipan daw itong mabuti ni bossing. Kung tunay ka naman daw aktor na mahal mo ang trabaho mo, kahit na anong challenge tatanggapin mo. And this is a very challenging role raw para sa manga. Out of his comfort zone, out of the box.

At hindi naman daw siya nagsisisi matapos nitong mapanood ang kabuuan ng pelikula. Bumilib daw sya sa mga nakasamang artista tulad nina Piolo, Sid Lucero, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Iza Calzado at iba pa.