Advertisers

Advertisers

Kings 2x olat sa king!

0 11

Advertisers

Lakers na 2-0 ang Kings.

Ito ay naganap sa loob lang ng tatlong araw sa homecourt ng Sacramento

May average si LeBron James na 25.5 na puntos, 6.5 rebound at 6.5 assist Bukod pa diyan ang mga block at steal ng itinuturing na hari ng NBA.



Kahit masama shooting ng purple at gold ay matindi naman depensa nila sa parehong laban.

Lamang mga bata ni Coach JJ Reddick sa majority ng laro sa twin W. Nakontrol kasi nila ang takbo ng game dahil sa mahigpit na pagbabantay sa mga katunggali. Nag-uusap sila sa loob ng court para mapigilan ang mga shooter ng Sacramento. Mabilis ang switch at may double team kung kailangan.

Eka nga ng mga analyst ay yan ang malaking pagbabago sa tatlong sunod na panalo ng koponan.

Tingnan natin kung mapanatili ang ganireng depensa hanggang makabalik sina Jared Vanderbilt, Jaxon Hayes at Christian Wood mula sa injury list

***



Mahigpit na ang NBA sa listed height ng mga player. Yung iba kasi nagpapatangkad at mayroon din nagbabawas.

Si Kevin Durant na sa dating record ay 6″9 lang pero seven footer talaga. Umiiwas daw kasi mapuwestong power forward. Gusto niya ay small forward lang posisyon sa loob.

Ire naman si Russell Westbrook ay naggpapataas. Sa talaan noon ay 6’6 siya nguni’t 6’3 o 6’4 lang ang totoo.

Ganoon din ang retiradong si Charles Barkley na 6’6 kuno pero closer sa 6’4 lang.

Ngayon pinasusukat na ng Commussioner”s Office ang mga cager ng walang sapatos bago matapos bawa’t training camp ng mga koponan.

Sa listahan ng liga ay pinakamaliit si Muggsy Bogues na 5’3 at pinakamakaki naman sina Manute Bol at Gheorghe Muresan na mga 7’7.

Sa Pinas ay uso rin mga nagdadagdag ng 2 to 3 inches.

***

Romie M, alam mo bang ang 1-PACMAN partylist ni Cong. Mike Romero ay nagsimula pa noong 2016?

One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals ang buong pangalan ng kanilang partido. Piniilt talaga upang Pacman maging acronym.

Kadikit nila si Manny Pacquiao na hanggang ngayon ay iniindorso ang grupo ng may-ari ng Northport ng PBA.

Noong una naka 1,310,197 sila kaya may 2 seat sila sa Kongreso. Kaso bumaba na boto nila sa 713, 969 taong 2019 at nitong 2022 ay naka-273, 195 na lamang kaya si Romero na nagiisang kinatawan nila.

Si Mika Romero na anak ng Batang Pier owner na ang No. 1 nominee sa susunod na eleksyon..