Advertisers

Advertisers

Mag-utol na pulpulitiko

0 51

Advertisers

SAAN kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mag-utol na pulitiko na ito, na kahit alam nila na wala silang kakayahan para mamuno, ay nangangarap paring patuloy na maging mga lider sa kanilang lugar diyan sa Laguna?

Mantakin n’yo, mga pare’t mare, yung iyong isa sa magkapatid na kasalukuyang konsehal sa kanilang lungsod ay kilala sa kapalpakan at katamaran, pero ngayon ay nangangarap na maging kongresista sa kanilang Distrito. Pwe!

Oo! Ang lakas ng loob na tumakbong kongresista nitong pulpulitikong ito, samantalang sa konseho nga nila ay wala siyang naipasa kahit isang panukalang batas, na makatutulong manlang sana para mabawasan ang paghihirap ng kanilang mga kababayan. Mismo!



Base sa ating impormante, kilala sa pagtingala sa kisame at pagbibilang ng butiki ang pulpulitikong ito kapag may sesyon. Kaya naman madalas siyang lihim na pagtawanan at kutyain maging ng mga kasamahan niya sa konseho.

Hindi nga lang siya lantarang makompronta at makantiyawan ng mga kasamahan niya, dahil kapatid siya ni mayor na kilala ring palpak at sobrang tamad.

Ang siste, kahit obob ang konsehal na ito ay ang lakas ng loob na tumakbong kongresista at ang pangako sa mga tao ay gagawin daw niya silang masaya. Hahaha…

At para mabudol niya ang ang mga botante, ngayon palang ay nagbubuhos na ng pera si Konsi Pulpol, at balitang madalas maghakot ng mga tao na binibigyan niya ng bigas at may kasama pang P1 libong cash. Lupet!

Aba! dapat silipin ng Comelec ang ginagawang ito ni Konsi Pulpol dahil tinatakot nila ang mga tao at kailangan pang ilista ang kanilang mga pangalan at ipakita ang kanilang certificate of registration bago makatanggap ng kanilang suhol.



Maliwanag na vote buying ang ginagawa ng pulpulitikong ito, na lantaran din ang pagyayabang na kaya nilang bilhin ang lahat ng botante sa kanilang Distrito. Ganun?

Ang tanong saan kaya kumukuha ng pera ang kolokoy na ito? Hmmm…

Iyong utol naman niyang mayor na muling tumatakbo sa kanilang lugar ay kahiya-hiya rin ang rekord at walang ginawa kundi panay kapalpakan sa kanilang lugar.

Kung hindi ba naman palpak ang pulpulitikong ito hindi manlang maiayos ang daloy ng trapiko sa kanilang lugar.

Maliban sa problema sa trapiko ay isinusuka rin siya ng mga kababayan niya dahil sa tambak na hindi nakokolektang basura, maruming mga kalye at walang katapusang baha sa maraming barangay sa kanilang lungsod. Fuck!

Napakatagal nang inirereklamo ng mga tao ang mga problemang ito, pero dahil wala ngang management skills kaya hindi niya malutas ang suliranin. Mismo!

Kawawa rin ang mga pasyente sa kanilang local hospital dahil hindi manlang niya maipaayos ito para mabigyan ng de-kalidad at libreng serbisyong medikal ang mga maysakit nilang mga kababayan.

Nangyayari ang mga kapalpakang ito sa kabila na bilyon-bilyon ang perang inutang ni Mayor Palpak sa bangko na pina-aprubrahan niya sa kanilang konseho sa maanomalyang paraan.

Kaduda-duda rin ang ginawa nilang pag-apruba sa badyet ng kanilang lungsod para sa susunod na taon na hindi rin dumaan sa maaayos at legal na proseso.

Talagang walang ginawang matino ang mayor na ito kaya naman hindi kataka-taka na hindi nakasama ang kanilang lungsod sa listahan ng binigyan Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government kamakailan.

Dapat ay mag-isip na ang mga tao sa kanilang lungsod at pumili na sila ng mas maayos at may kakayanan mamuno sa kanila. Mismo!!!