Advertisers

Advertisers

P1m shabu nasamsam sa Caloocan

0 18

Advertisers

Kulong ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Col. P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong suspek na si alyas “Kuya”, 47, ng Sta Monica, Hagonoy, Bulacan.

Inaresto ng mga operatiba ng DDEU ang suspek 3:18 ng madaling araw sa Reparo Linis, Brgy. 161, Caloocan City.



Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng shabu na may standard drug price value na P1,020,000.00, buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under the Republic Act (R.A.) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)