Advertisers

Advertisers

PAGBAGSAK NG MGA DUTERTE SA 2025

0 41

Advertisers

MABIGAT ang 2025 para sa pamilyang Duterte at sindikatong kriminal na Inferior Davao. Nahaharap sa impeachment complaint si Misfit Sara. Susulong ang mga ito at uusigin si Misfit Sara ng Camara de Representante at malaki ang posibilidad na humarap siya Senado bilang isang hukuman. Ito ang bagong Senado sa pagkatapos ng halalan ng 2025. Malamang na maalis siya sa poder.

Mabigat na laban si Gongdi, Polong, at Baste sa halalang lokal sa 2025 sa lungsod ng Davao. Hindi sila nakakasiguro sa mga Nograles – Karlo at Migs – sa kanilang laban sa alkalde, bise-alkalde, at kinatawan ng Davao City. Uugod-ugod na si Gongdi at nasa katanghaliang gulang si Karlo. Mga taong kilala sa kapinuhan sina Karlo at Migs. Nag-aral sila at may alam sina Karlo at Migs hindi tulad ni Gongdi at mga anak.

Mabigat ang laban ni Bato dela Rosa at Bong Go bilang mga reeleksiyonistang senador sa 2025. Dahil sa hindi sila mabango, matatalo sila sa Luzon at Visayas. Hindi sila makakahabol kahit manalo sila sa Mindanao. Mataas pa sa survey si Bong Go, ngunit hahabol ang ibang kandidato tulad ni Bam Aquino, Kiko Pangilinan, France Castro Arlene Brosas, Teddy Casino, at Heidi Mendoza. Hindi nakakasiguro si Bong Go dahil wala siyang “winning face,” sa totoo lang. Hindi pinagkakatiwalaan ang kanyang mukha.



Susulong sa 2025 ang hablang crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) laban kay Gongdi, Bato, at Bong Go at iba pang kasapakat. Hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan ng pagsulong na habla ngunit nakikita natin na maaaring arestuhin si Gongdi, Bato at Bong Go at dalhin sila sa ICC headquarters sa The Hague, The Netherlands. Paano na ang halalan? Paano sila makakapagkampanya sa halalan? – ito ang mga tanong.

Hindi namin nakikita na bibigyan sila ng proteksyon ng gobyernong BBM sa anumang paraan. Malinaw si BBM sa kanyang posisyon sa mga Duterte at mga kakampi na pawang kasapi sa sindikatong kriminal ng Inferior Davao. Hindi siya makikialam para sa kanilang kapakanan. Wala siyang pakialam sa kanila. Bahala sila sa buhay nila.

Maski kahit saan tingnan ang sitwasyon ng sindikatong kriminal ng Inferior Davao, nahaharap ito sa mabigat na sitwasyon Maaari silang maubos at tuluyan mawala sa poder ang sinuman sa kanila. Ito ang paraan para hindi na sila pag-usapan sa mga susunod na panahon.

Hindi sila bibiruin ng gobyerno ni BBM. Habang umiinit ang halalan ng 2025, tuluyan silang haharap na mainit na sitwasyon. Kundi makukulong, matatalo sila sa halalan hanggang mawala sila sa pulitika. Makakawala ang bansa sa kuko ng mga Duterte at Inferior Davao sa 2025.

***



SAMANTALA, naisampa na ang pangatlong impeachment complaint laban kay Misfit Sara sa Camara. May agam-agam na mabibigo ang tatlong impeachment complaint sa layunin na masipa si Misfit Sara sa poder. Hindi na kikilos ang mga ito at kung sakaling isampa sa Senado, hindi mananalo ang mga ito.

Hindi totoo ito dahil wala itong batayan sa Saligang Batas. Hindi totoo na mawawalan ng bisa ang mga reklamo sa sandaling magsara ang Kongreso upang magbigay daan sa halalan at panibagong Kongreso. Walang sinabi na ganoon ang Saligang Batas ng 1987.

Ang sinabi ng Konstitusyon ay isa kada taon ang maaaring isampa na impeachment complaint ng isang tao o organisasyon laban sa sinumang impeachable official. Hindi sinabi ng Saligang Batas na natatapos ang impeachment complaint sa pagsasara ng Kongreso upang magbigay daan sa halalan at panibagong Kongreso. Tuloy-tuloy ang mga ito kahit may halalan at may sumibol na bagong Kongreso.

Didinggin ng Kongreso ang tatlong impeachment complaint laban kay Misfit Sara kahit sa kasalukuyang Kongreso. Uusigin siya ng Camara umpisa sa Enero hanggang magsara ang Kongreso sa Pebrero upang magbigay daan sa halalan sa Mayo. Kung may basehan ang impeachment complaint, maaari itong dalhin sa bagong Senado sa pagbubukas ng bagong Kongreso sa Hulyo, 2025.

Lilitisin siya sa bagong Senado kapag wala na ang mga kakampi ni Gongdi na sina Bato at Bong Go at pumasok na ang mga senador hindi kampi kay Gongdi. Ganyan ang maaaring mangyari at ito ang dahilan kung bakit aburido si Bato at Bong Go.

***

MGA PILING SALITA: “The QuadComm recommendation to file charges against Duterte, et. al. for crimes against humanity under RA 9851 in the implementation of the war on drugs is a long-awaited and welcome conclusion to the months-long House inquiry. It is also a vindication of the efforts of all those who fought the past administration’s drug war EJKs from the very beginning, when Duterte was at the peak of power and there was popular support for his murderous drug war. Patunay lamang ito sa katuwiran ng paglaban sa mga polisiya ni Duterte sa unang pagkakataon mula pa noong 2016. Hindi na dapat naghintay pa ng ganito katagal para iharap sa hustisya si Duterte at kanyang mga kasabwat sa pagpatay ng libo-libong mahihirap na Pilipino.” – Leila de Lima, netizen, dating senador, kritiko

***

SA WAKAS, nakauwi na si Mary Jane Veloso sa bansa matapos ang mahabang panahon ng pagdurusa at paghihintay. Simbolo ito ng pag-asa, pagmamahal, at pagkakaisa – mga diwa ng Pasko na nagbibigay liwanag sa bawat Pilipino. Ito ang salita ni Kin. Marissa del Mar Magsino ng OFW Partylist: Salamat sa lahat ng nagpakita ng malasakit at tumulong upang isakatuparan ang pagbabalik ni Mary Jane, mula sa gobyerno, kay Pangulong Marcos, mga organisasyon, at sa lahat ng Pilipinong hindi bumitaw sa laban na ito.

Bilang kinatawan ng OFW Party List, patuloy kaming maninindigan para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Ang kuwento ni Mary Jane ay paalala na marami pa sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng kalinga at proteksyon laban sa pang-aabuso at kawalan ng hustisya. Sa panahong ito ng Pasko, nawa’y magbigay inspirasyon ang tagumpay na ito upang higit pang palakasin ang ating pagkakaisa at pagtutulungan.

Welcome home, Mary Jane. Sa pagbabalik mo ngayong Kapaskuhan, dalangin namin ang paghilom ng iyong sugatang puso at ang muling pagsasama-sama ng inyong pamilya. Nawa’y magsilbing paalala ang iyong kuwento na sa gitna ng hamon, laging mananaig ang pag-asa at pagmamahal ng bawat Pilipino.