Advertisers

Advertisers

COL. ALEGRE, 15 ALKALDE SA CAVITE ‘BULAG’ KINA KA MINONG, HERO AT JUN TOTO!

0 1,149

Advertisers

HINDI nakikita ni Cavite PNP Provincial Director, Colonel Dwight Alegre, at ng 15 city at municipal mayors ang nagkalat na illegal vices tulad ng sakla, lotteng, EZ2, Pick 3, Peryahan ng Bayan (PnB) bookies, at pergalan (peryahan puros sugalan) na front ng bentahan ng droga, na ang pasimuno ay ang “Tatlong Itlog” ng Ca-vite na sina alyas “Ka Minong”, “Hero” at “Jun Toto”.

Sa kabi-kabilang mga sumbong ng mga residente tungkol sa mga taong nalulong sa pagsusugal at sa masamang dulot nito ay walang aksyon dito si Col. Alegre at ang mga lokal na ehekutibo, kungsaan palasak ang ope-rasyon ng sakla at pergalan nina Ka Minong, Hero at Jun Toto na kilalang “Hari” ng bookies con jueteng, EZ2, Pick 3, PnB bookies at online gambling sa Dasmariñas City at iba pang siyudad at mga bayan sa lalawigan ni dating Governor ngayo’y DILG Secretary Jonvic Remulla.

Si Remulla ay nanombrahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Department of Interior Local Government (DILG) Secretary, at pina-litan ni ex-Vice-Governor Athena Bryana Tolentino na manunungkulan lamang ng siyam na buwan at 22 araw bilang gobernador ng Cavite.



Bilang kalihim ng DILG, si Remulla ay may kapangyarihang disiplinahin o tanggalin sa pwesto ang mga lokal na opisyales sa kanyang lalawigan kungsaan ay iniuulat na talamak ang opera-syon hindi lamang ng bawal na sugal na prente ng bentahan ng shabu kundi maging ng opera-syon ng oil at petroleum pilferage (buriki/paihi) ng isang “Amang” at “Violago Group” sa Brgy. Bancal, siyudad ni Carmona City Mayor Dahlia Loyola.

Ang mga siyudad at munisipa-lidad na iniuulat na garapalan ang operasyon ng sakla nina Ka Minong at Hero ay nasa Dasmarinas City, Bacoor City, Cavite City kasosyo si Ewang na “bata-bata” ni Revilla; sa bayan ng Mendez kasosyo ang estapador na si Joji; sa Amadeo, Maragondon, Ternate, Noveleta, Naic, Magallanes at Bailen kasosyo sina Eric at ang fake NBI agent na si alyas Elwyn. Pati sa mga lisensyadong sabungan at tupadahan ay laganap din ang pasakla nina Ka Minong at Hero.

Isang Jun Toto, na nagpapa-kilala na bagyo sa magkapatid na Justice Secretary Boying Remulla at DILG Sec. Jonvic Remulla, ay financier/operator ng EZ2, Pick 3, PnB bookies, lotteng at online gambling kasama ng isang “Nitang Kabayo” at “Kap Abner” na ang rebisahan ng taya ay sa garahe ni Jun Toto sa Brgy. San Luis, Dasmariñas City.

Sinabi pa mga miyembro ng MKKB, kung nais na ipakita ni Sec. Remulla na sinsero at determinado ang administrasyon ni PBBM sa hangad na pagbabago at pagpapaganda ng imahe ng pulisya at local government officials ay kasuhan, suspindihin at tanggalin sa serbisyo sina Col. Alegre kasama ng kanyang mga police chief, mga kababayang alkalde tulad ni Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga, Cavite City Mayor Denver Chua, Bacoor City Mayor Strike Revilla dahil sa kawalan ng aksyon ng mga ito laban sa sakla operation nina Ka Minong at Hero.

Ang iba pang mayor na dapat disiplinahin, kasuhan o kaya pagbitiwin sa puwesto ni Sec. Remulla ay sina Mayor Loyola ng Carmona City dahil sa kapabayaang sugpuin ang dekada-dekada nang operasyon ng buriki/paihi nina Amang at Violago Group sa Brgy. Bancal; ang lantarang pasakla nina Ka Minong at Hero sa ba-yan ni Mendez Mayor Cocoy Mendoza Jr.; Bailen Mayor Dennis Glean; Amadeo Mayor Redel John Dionisio; Maragondon Mayor Laurence Arca; Ternate Mayor Lamberto Bambao; Naic Mayor Raffy Dualan; Noveleta Mayor Dino Chua,; Magallanes Mayor Jasmin Maligaya-Bautista at Bailen Mayor Dennis Glean.



Kasamang dapat ding kastiguhin ni Sec. Remulla sina Silang Mayor Edward “Ted” Carranza sa kawalan nito ng hakbang laban sa operator ng tatlong pergalan kabilang dito ang pinatatakbo ng isang Gigi malapit sa Mayor’s Office sa Bagong Munisipyo ng Silang; pergalan na minamantine ni Fe at Ronnie sa Brgy. Maguyam sa Silang, at Alfonso Mayor Randy Salamat dahil sa pagsasawalang kibo nito sa operasyon ng pergalan na may shabuhan ng lady drug pusher na si alyas “Jessica”.

Nadiskubre din ng MKKB na itinalaga ni Ka Minong si Hero na overall police tong collector na taga-dampot ng daan-daang libo hanggang milyones na pa-yola na ibinibigay ng mga “lord” na panghatag sa ilang police officials sa Cavite PNP at PNP Region 4A. Ngunit ang matindi pa, maging ang pangalan ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil at Col. Alegre ay ipinangongotong din nina Ka Minong at Hero. (CRIS A. IBON)