Advertisers

Advertisers

PH booters swak sa Asean Cup semis

0 8

Advertisers

PASOK ang Philippine men’s national football team sa Asean Mitsubishi Electric Cup semifinals matapos gulpihin ang home team Indonesia,1-0 sa Manahan Stadium sa Surakarta Sabado ng gabi.

Dahil sa panalo,ang Pilipinas ay nakaipon ng kabuoang six points sa Group B para magtapos sa second sa likuran ng Vietnam na may 10 points at makapasok sa Final Four ng paligsahan sa unang pagkakataon simula noong 2018.

Ito rin ang unang pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang Indonesia simua ng kanilang 4-0 triumph sa 2014 ASEAN Championship.



Bjørn Kristensen umiskor ng nag-iisang puntos ng laban sa 63 minuto ng kalmadong sinipa ang penalty kick.

Ang Pilipinas ay kumita ng penalty kick kasunod ng VAR review sa foul kay Yrick Gallantes.

“The Philippines deserve to be in the semifinals for all they did in all games. We should have qualified before already, we didn’t because we missed a lot of chances, and today finally, it was on our side,” Wika ni Philippine national team head coach Albert Capellas.

Sa nakolekta na isang panalo at 3 draws, makakaharap ng Filipinos ang Group A leader Thailand sa two-leg semifinals habang ang Vietnam makakatapat ang Group B second placer Singapore sa ibang semis pairing.

Ang first leg ay gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Manila sa Disyembre 27 at ang second leg nakatakda sa Disyembre 30 sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.