Advertisers
KUMAYOD si Joel Embiid ng 12 sa kanyang game-high 34 points sa fourth quarter para itulak ang Philadelphia 76ers sa 108-98 home win laban sa Charlotte Hornets Sabado ng gabi.
Tyrese Maxey umiskor ng 23 points at Kelly Oubre Jr. 22 at parehong nagtala ng 4 three-pointers para sa Philadelphia, na pinadapa ang Charlotte Hornets sa ikalawang pagkakataon ngayong Linggo. Embiid nalaktawan ang laro nitong Lunes dahil sa sinus fracture na natamo sa laro kontra Indiana noong Disyembre 13, at nakasout ng protective mask laban sa Hornets.
Vasilije Micic umiskor ng season high-20 points upang pamunuan ang Hornets, na nabigo ang 12 sa kanilang huling 13 games. Charlotte ay naglaro wala si LaMelo Ball (Calf) at Brandon Miller (ankle).