Advertisers

Advertisers

Enrique makaka- collab sa movie si Liza

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINAHAGI nina Cristine Reyes at Marco Gumabao what they love about each other.

Pinag-usapan ng celebrity couple kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.



Sa isang interbyu noon sa aktres ay natanong siya kung posible ba siyang ma-inlove sa isang Marco Gumabao.

Ang sagot ng aktres, hindi raw dahil sa six- year age gap nila. Hanggang friendship lang daw sila.

Pero mapagbiro ang tadhana and unexpectedly hindi naiwasan ni Cristine na mainlove sa aktor.

Early last year, the couple shared their sweet photos confirming their relationship.

Nakasuporta naman ang kanilang fans sa kanilang relasyon.



Sa YouTube Channel ni Karen Davila ay guest ng newscaster ang celebrity couple.

Ayon kay Marco, inamin niyang unexpected ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nagkatrabaho raw sila ng 2015 at ang tawag pa niya sa aktres ay “Ate AA,” pero noon pa raw ay may crush na siya kay Cristine.

Nag-umpisa raw ang lahat nang maging neighbors sila during the pandemic.

They reconnected as friends and became workout buddies. “Hindi namin alam na yung feelings na pala namin ang nawo-workout,” kuwento ni Marco.

Pag-amin naman ni Cristine she had apprehensions as she was once married.

She was very cautious and it was unexpected because she never had thought that they would end up together.

Natanong si Marco kung ano ang nagustuhan niya kay Cristine. Aniya, “When you know, you know.”

“Click lang talaga ang ugali namin.

“I never thought that I would end up with Marco,” sambit naman ni Cristine.

“Si Marco with me, ano siya eh, very yung gentle.”

Biro pa niya, “Little did I know.”

***

NAKATUTUWANG panoorin sina Melai Cantiveros at Enrique Gil habang nag-uusap ng Bisaya.

Hindi laging naririnig na magsalita ng kanilang dialect ang actor na tubong Cebuano.

Guest si Quen sa Visayan program ni Melai na Kuan on One.

As he sits down to reflect on a career that has spanned over a decade, Enrique talks about stepping back, rediscovering himself, and the profound realizations that came with lying low during the pandemic.

Kilala ang actor na isang family-oriented at yan ang dahilan kaya nag-decide siyang talikuran ang showbiz, especially during the pandemic. “Na-miss nako ang time with my family, akong mga igsoon,” umpisa niyang sabi kay Melai.

“Na-realize ko na, ‘Wow. They’re all growing up.’ Si Andie, nag-graduate na, nag-migrate na sa Spain,” referring sa bunso niyang kapatid.

That time away gave him a fresh perspective on life.

“Na-realize ko na life is more than just fame, acting, showbiz, and money.”

“All of these means a lot to me, but it’s not everything. Showbiz is a part of my life, but it’s not my whole life.”

Para sa actor, ang pagtalikod niya sa showbiz ay para maka-focus sa gusto niyang gawin.

Na-appreciate naman daw niya ang fame as an actor at ang suportang binibigay sa kanya ng mga fans.

Pero nang ma-explore niya ang kanyang craft as an actor and filmmaker ay napansin niyang nagkakaroon siya ng time sa sarili at sa kanyang family.

But over time, he’s also learned to follow his heart and make decisions that align with his personal desires.

“Ang sabi ko kay Mama, ‘Sige, I’ll come back but I’ll make sure na it’s not the same as before. Right now, you’re getting older. I want to spend more time at home,’” pagbabahagi pa ni Enrique.

Sa ngayon, ang priority ng actor at nae-excite niyang gawin at nakakapagpasaya sa kanya ay ang pagsabak sa film producing and continues exploring his artistry.

Esplika niya, ang pagtatrabaho nang overworked or doing a lot of projects without rest in between can start to feel exhausting.

“Para kang robot na paulit-ulit, nawawala ‘yung magic, ‘yung inspiration mo sa mga projects,” pag-amin niya.

“So, that’s me right now, I’m trying to look for something that makes me happy.”

“The most important is balance in life. If there’s too much of one thing, it’s not also good for your mental health, physical health, and sa heart mo.”

Ang unang venture ni Quen in film producing ay ang movie niyang

I Am Not Big Bird na isang comedy film.

Open din daw siyang mag explore ng horror at action.

In fact, he recently pitched a project to ABS-CBN COO Cory Vidanes, who loved the concept and immediately gave the green light for shooting next year.

“Sa lahat ng ginagawa ko, I make sure that I’m always happy. ‘Pag hindi ka happy, think twice bakit mo ginagawa ‘yun.”

“Always try to find the best in everything kahit it’s the worst time of your life.”

Binalita rin niyang may gagawin siyang teleserye sa ABS-CBN at magsisimula silang mag-shoot by March 2025.

“Actually co-produced namin ito with ABS-CBN, my concept kaya excited ako rito.

“Gusto ko action siya, pero action-comedy, medyo may pagka-lightness. Kasi usually super bigat lagi ng mga action so I wanted it medyo siyempre may romcom involved, kailangan ‘yon sa TV eh, pero it’s kumbaga medyo Ryan Reynolds-ish na may lightness but there’s some mafia involve.”

Ibinahagi rin niyang baka magkaroon sila ng collab ni Liza Soberano.

“Yes, she is interested but she is in the US right now, she’s in LA. But we talked about it for a bit. Yeah, she is interested but she is there right now.”

“So who knows maybe next year. Sana kung may time,” dagdag pa ng actor.

May movie na ipalalabas si Enrique, ang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” an official entry to this year’s Metro Manila Film Festival.

***

AIZA ANG GALING KUMEMBOT
KINAALIWAN ng netizens ang video ni Ice Seguerra sa todo-bigay niyang pagsasayaw ng ‘Salamin’ ng BINI.

Pinasaya ng singer ang mga bisita ni Jose Manalo sa kasal nila ni Mergene Maranan kamakailan lang.

Bukod sa kanyang todo-bigay na kembot ay kabisado nito ang dance steps ng ‘Salamin’ na pinasikat ng grupong Bini.

Hirit ni Ice sa kanyang caption ng naturang video ay 20K daw ang grand prize ng best dance performance. Umabot sa mahigit 3 million views ang video na binahagi ni Ice sa kanyang Facebook account.

Sa video na ibinahagi ni Ice sa kanyang Facebook account, makikitang kabisado niya ang bawat galaw at todo-bigay sa bawat kembot, na naging dahilan upang umani ito ng mahigit 3 milyong views.

Pinuri ng marami ang pagiging game ng singer-actor sa ganitong klaseng kasiyahan, na nagdala ng ngiti at good vibes sa social media.

Komento ng netizens: “Natural na natural ka talaga Ice… And that what makes you so appealing and unique..not to mention you are much endowed with talent.. You always put a smile on my lips whenever I see you perform, whether it be a formal concert, a game or trivia/tribute you are giving someone, or just one of your random videos. You are truly a gift to us… Continue to inspire.. God Bless”